Loading...

Friday, March 1, 2019

Julia Barretto sumailalim sa operasyon sa mata BFF Erich to the rescue

Views
Loading...
Instagram: JuliaBarretto
Sumailalim si Julia Barretto sa minor eye surgery na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram stories na pinost din ng kanyang ina na si Marjorie Barretto sa kanyang Instagram account na nagpapasalamat sa BBF ni Julia na si Erich Gonzales dahil agad itong pumunta para palakasin ang loob ni Julia:
With only 3 hours of sleep, @erichgg came to hold Julia’s hand during a minor eye procedure. So happy to have supportive people around us. And THANK YOU so much to my dear dear Doctor friend Dr. Lee Verzosa for taking such good care of Julia❤️ 
Ayon sa aming nabasa ay nagkaroon daw ng Kuliti si Julia na kailangan agad tanggalin lalo na sa kagaya niyang artista.

Atwal na post ni Marjorie:

Ano nga ba ang Kuliti?

Ang kuliti o sty ay madalas na nakikita sa paligid ng pilikmata. Isa raw ito sa mga pinakamadalas na impeksyon sa mata, lalu na sa mga bata. Ayon kay Dr. Enrique Enriquez, mistulang pimple ang kuliti na nabubuo sa mismong pores ng pilikmata. Nakukuha rin ito dahil sa pagbabara ng oil glands.
Yung pilikmata natin, merong pores doon in between the eyelashes. Nagbabara ito kapag merong infection.
Kahit sino ay puwedeng magkaroon ng kuliti. Ilan sa mga sintomas ng sakit na ito ang pamamaga, pangangati, at pamumula ng mata. Ayon kay Dr. Enriquez, kusang gumagaling ang kuliti. Ngunit kung dalawang linggo na at hindi pa rin gumagaling ang kuliti, kailangan nang kumonsulta sa isang opthalmologist o espesyalista sa mata. Para hindi na lumala ang kuliti, huwag itong kamutin o kusutin.

Kuliti o Sty

 Sa halip, magbabad ng isang piraso ng tela sa maligamgam na tubig. Pigain ang tela, pagkatapos ay ipahid sa mata. Maaari itong gawin nang tatlong beses sa isang araw o kaya ay hayaan ang mainit na tela nang sampung minuto sa matang may kuliti. Malaki ang maitutulong nito para pumutok nang kusa ang kuliti at matuyo ito. (Pinoy MD)

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment