Loading...

Monday, March 11, 2019

KBrosas ayaw bumangon sa labis na lungkot sa pagpanaw ni Chokoleit

Views
Loading...
Instagram: kbrosas
Sa IG post ni KBrosas kapansin-pansin ang labis nitong pagkalungkot sa pagpanaw ng very close friend niyang si Chokoleit ikinuwento ni KBrosas ang mga experience at samahan nila sa sobrang haba ng caption sa ipinost niya sa kanyang IG account. Isa si KBrosas sa mga close friend ni Chokoleit at naging ninang at ninong din sila sa anak ni Pokwang na si baby Malia dahil dito masnaging close pa sila sa isa't isa kaya naman bilang isang matalik na kaibigan ay nahihirapang tanggapin ni K ang mga pangyayari. Narito ang kanyang caption sa post niya sa IG:

Ayaw kong bumangon.. Di pa rin lubusan matanggap..,ang dami nating pics chokie.. last year lang around this time nasa Lake Tahoe tayo, kc natuwa At nakasanayan na natin mag mini vacay pag nasa u.s tayo na May shows.. una SA Yosemite tapos big bear.. sagot mo pag kain kaya happy fiesta lagi ulam natin.. at las!ng lahat.. hindi lang kita lagi kasama SA show at guest pa kita SA major concert ko.. tapos lalo pa tayo naging close dahil ginawa tayong ninang ni pokie kay malia... tuwang tuwa ka ng nalaman mo na malapit na matapos haws ko, sabi mo papa Buntis mo aso mo para mabigyan ako NG puppy.. isang aso mo gift namin sayo na hati hati kami ni pokie At Pooh.. kahit mahal dedma kc never naging issue ang pera saten.. At ganon ka namin kamahal.. Pati mga anak namin ni pokie mahal na mahal ka.. gumugulong kami SA kakatawa sayo.. ako, minsan hindi nako sumusunod SA script dahil tawa na lng ako NG tawa... hirap NG ganito.. dapat nasa Abra din ako, alam nila yan pero biglang hindi nag pwede sched ko... hindi ko alam gagawin ko kung andon pala ako.. grabe ka chokie, pwede naman na Di ka na nag show pero dahil kilala kita tinuloy mo kahit sobrang hirap. Hanggang SA huling hininga mo PinilI mo pa rin magpatawa... sino na ngayon ang Mang aasar samen ni pokie?? Sino ka duet na ni Pooh?? Hindi ka mapapalitan kelan man kc nag iisa ka. Sobrang mahal kita.. At Di ko alam pano ako babangon ngayon, literal.. sana makita kita At makausap SA panaginip. Di ko alam gagawin ko kundi Magdasal. Isa kang ALAMAT chokie.. I love you so much! ๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ’”




Ma mi miss ko tong ganto natin lagi after NG shows SA u.s .. kung gaano ka kakulit SA stage walang sinabi yon pag tayo tayo lang.. at favorite mo champ@gne.. mas gusto ko tong panoorin kc kahit durog puso ko napapangiti ako kahit papano. At SA sandamakmak na vids natin on stage o SA tv eto pa rin ang pinili ko post.. kc eto ka talaga.. habang may champ@gne.. chikahan galore about SA mga seryosong bagay SA ating personal na mga buhay na never kong makakalimutan.. paki cheers na lang ako SA langit.. I’m sure yung pinaka mahal na champ@gne ang binuksan para sayo.. ๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™




Aktwal na post sa IG:


Instagram: kbrosas

Instagram: kbrosas

Instagram: kbrosas

Instagram: kbrosas

Instagram: kbrosas

Instagram: kbrosas


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment