Loading...

Sunday, March 31, 2019

MTRCB, binatikos ng netizens dahil sa kissing scene ng dalawang lalake sa Eat Bulaga

Views
Loading...
Hindi napigilan ng mga ilan sa netizens na mag-over react at binatikos agad ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa nangyaring kissing scene ng dalawa lalake (bi) sa episode ng Eat Bulaga na "Boom" segment noong March 30. Kahit hindi pa naglalabas ng desisyon ang MTRCB ay patuloy pa rin sa pambabatikos ang ilang netizens sa napanood nila sa tanghaling tapat at ito'y hindi makakatulong ang kanilang pambabatikos sa MTRCB.

Screenshot from Eat Bulaga GMA-7 
Sa segment na "Boom" kung papanoorin ng mabuti na kung saan guest nila si Jhon Patrick Driz sa kanyang boyfriend na si Paul Cervantes, malamang ikinagulat din ni Vic Sotto ang nangyari at posibleng pati ang staff ng EB ay nagulat din.

Sa tagal na ng Eat Bulaga 40 na taon na sila sa telebisyon ay paniguradong alam na alam na nila ang mga batas na ipinatutupad ng government agency na pinamumunuan sa kasalukuyan ni Rachel Arenas.
Screenshot from Eat Bulaga GMA-7 
Kung ang basehan lamang ay ang nangyari sa episode na 'yon kung saan dahil sa simpleng halik lanang na alam naman natin kabi-kabilaan ang kissing scene sa mga teleserye ng mga malalaking network sa Pilipinas ay hindi ito sapat na dahilan para masuspinde ang Eat Bulaga kung talagang marunong ang mga tumutuligsa sa MTRCB. Parehong mga talent ng GMA-7 at ng ibang mga television network sina Driz at Cervantes. Meaning, lumalabas sila bilang mga bit player sa iba’t ibang programa sa telebisyon

Humingi ng paumanhin si Driz dahil alam niyang may televiewers na hindi natuwa sa paghalik niya sa kanyang boyfriend sa kanyang Facebook account.
"Maraming salamat po sa mga nakapanood ng Eat Bulaga kanina."
"Unang una po sa lahat, gusto ko po sana humingi ng pasensya."
"Maaaring hindi man po tanggap pa sa lipunan natin ang ganitong relation pero maraming salamat po sa mga taong sumusuporta sa mga gaya namin na LGBTQ community.” 

Narito ang bidyo:


Source: Pep


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment