Loading...

Thursday, April 25, 2019

Bagong negosyo ni Alden pinagkaguluhan sa opening

Views
Loading...

Masayang-masaya ang Kapuso aktor sa kinalabasan ng opening ng kanyang bagong negosyo na isang sikat na international food chain franchise na makikita sa Biñlan, Laguna. Ayon sa source nakadalo raw ito sa blessing ng bagong bukas na negosyo ni Alden at hindi raw niya akalain na ganito kalaki ang gusali na nasa more than 1,200 square meters.

Ayon kay Alden hindi raw masamang mangarap dahil noon pa man ay pangarap talaga niya makapagpatayo ng ganitong klaseng negosyo at natupad na nga ngayon,

Si Margot na marketing manager ng McDonald’s Philippines ay isa sa imbitadong bisita sa blessing at ipinagmalaki niya si Alden na masuwerteng pinagbigyan ng franchise. Noong una raw niyang nakilala si Alden ay noong kinuha nila ito bilang host sa ilang mga event nila. Tapos ay naging endorser at ngayon ay isa sa may franchise na.



Nabalitang nasa Hong Kong itong si Alden dahil sa shooting ng movie nila ni Kathryn Bernardo at minabuti pa niyang maka-uwi saglit sa Pilipinas upang makadalo sa blessing ng kanyang bagong negosyo.

Ayon sa source ay dinumog ito ng mga fans at mabuti naman ay handang-handa ang grupo ni Alden.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment