Loading...

Saturday, April 27, 2019

Ben Tulfo batikos ang inabot sa fans ni Regine: Wala raw respeto sa babae, dapat mag-public apology

Views
Loading...


Matatandaang naging malaking isyu ang biglang pag-post ni Regine sa kanyang Twitter account na kung saan against ang Songbird kay Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr.’s statement about Chinese getting endangered giant clams. Kasi naman related ito sa politics at hindi naman nakikisawsaw si Regine sa politics dati noong nasa kabilang network pa siya.

“Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay [simpleng] tao lamang na may simpleng pag-iisip. These people are invading our territory they are not just taking food [sinisira] nila ang ating karagatan!!!!” Regine said. 

Kaya naman ng upakan ni Ben Tulfo ang Songbird ay hindi natiis ng kanyang asawa na si Ogie Alcasid ang kausapin si Ben Tulfo sa pamamagitan ng Twitter na sa kanyan umani mag-focus at wag sa kanyang asawa "after all she's a lady" sabi ni Ogie.

Minaliit daw kasi ni Ben si Regine at sabi: “Next time you open your mouth, think. Make sure na may laman ang utak mo. Make sure alam mo ‘yung isyu and you can talk about it.

“Hindi mo ito balwarte. ‘Yung kaalaman mo, itago mo na lang. Gawin mo na lang, una, kung paano ka manumbalik sa publiko na kilala ka pa The Songbird of Asia. Hehehe. Ano ba’ng alam nitong si Regine Velasquez other than kumanta lamang?”

Kaya naman pati mga fans ni Regine gusto mag-public apology si Ben:

“A decent man will respect a woman Sir Tulfo meron po tayong tinatawag na demokrasya kung saan malaya mong ipahahayag ang iyong opiniyon yun lang ginawa ni Ms. RVA.”

“We demand public apology from Ben Tulfo. Kung lalaki sya mag apologize sya. Tandang walang pinagkatandaan.”

“Kuya Ogs wag mong pinagaaksayahan ng panahon ang bastos na si @bitagbentulfo walang respeto yan sa nanay nya kaya ganyan sya magsalita sa babae! Walang bayag!!!”

“@bitagbentulfo bago nyo sabihing nakikisawsaw lang si @reginevalcasid eh isoli nyo muna yung P60M ng mga Pilipino. Fyi din po, ang lahat ng Pilipino ay may FREEDOM OF EXPRESSION, wala tayo sa panahon ng diktadurya. Nabigyan kayo ng mikropono pero ang bobo nyo. #BastaTulFoOgag.”

“Eh bakit ka nagagalit sa kanya ikaw ba ang sinagot nya? Why so affected and why malign a national treasure for music? Eh ikaw anu ka ba sa bansa natin? Dapat ikaw ang manahimik unless inutusan ka ng amo na ipagtanggol si Locsin.”

May mga tao naman na pabor sa sinabi ni Ben. 






Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment