Loading...

Friday, April 12, 2019

Sam Milby hindi kinaya ang sakit umalis agad sa presscon ng 'Halik' at sinugod agad sa ospital

Views
Loading...

  • Sam Milby umalis agad sa presscon ng Halik
  • Hindi kinaya ang nararamdamang sakit isinugod sa ospital
  • May abdominal cramps, pagsusuka, panananakit ng katawan at nilalagnat ang aktor 

Habang sinulat ng source ang balitang ito ay nasa taping si Sam Milby ng teleseryeng Halik at kapag wala siyang eksena ay nagpapahinga ito at natutulog siya sa kadahilanang kailangan niya ito dahil ,kailangan niya ng pahinga.

Nitong Huwebes sa ginanap ng presscon ng finale ng Halik agad daw umalis si Sam after ng photo opportunity dahil hindi na niya kaya ang nararamdamang sakit sa kanyang tiyan. Agad namang isinugod sa  sa emergency room ng St. Lukes Hospital ang aktor ng handler niyang si Caress Caballero at personal assistant na si Nene Lismonero.

Stomach flu raw ang sakit nang magtanong ang source sa nangyari kay Sam kung bakit ito umalis at isinugod sa ospital.

May abdominal cramps, pagsusuka, panananakit ng katawan at nilalagnat ang aktor ng mga sandaling iyon kaya nag-aalala ang mga kasamahan ni Sam.

“Nu’ng kausap ko si Doc, viral illness, WBC (white blood cells) niya mababa, pero normal naman ang red blood cells niya pati wiwi.” sabi ito ni Caress nang tanungin ng source.

Kailangang i-admit si Sam para sa ilang test pero nakiusap na baka ngayong araw (Sabado) na lang dahil nga may taping pa sila kahapon.

“I asked Doc kung wala namang danger kung made-delay ang gastro check-up kung sa Saturday pa (ngayong araw) kasi nga crucial ‘yung taping tomorrow (kahapon). Sabi ng doktor depende raw.
“Tumawag si direk Ruel (Bayani, business unit head), uunahin na lang daw kunan ang lahat ng sequences ni Sam para ma-pack-up agad para diretso na siya uli sa hospital.”

Kaya mapapansing sa mall show ng Halik ngayong araw ay wala si Sam dahil nasa hospital siya.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment