Thursday, September 12, 2019

Viral ngayon ang isang tatay, na kung saan, siya mismo ang nagtahi ng gown ng kanyang anak para sa prom

Views

Kamakailan lang sa viral na Twitter post ni Toni Masil, ibinahagi niya ang mga litrato ng gown na tinahi ng kanyang amang si Gregorio para sa kanya.

Mula sa mga kurtina at bedsheet, nag-level up daw si Gregorio sa paggawa ng mga gown at dress na isinuot ng kanyang mga anak sa prom.


"I was in 10th grade, it was prom season when he made his first gown. I had nothing to wear, I never saw a gown I liked so I asked him if he can make me one. I really felt like a queen that night thanks to my daddy," ani Toni.


Talaga namang hinangaan ng netizens ang ama ni Toni dahil sa labis na effort na ginawa niya para sa lkanyang anak, lalo pa't alam naman natin na 'di pangkaraniwan sa mga lalake o mga tatay ang manahi ng gown.


Tito Sen, may hugot na tila reabak at patama raw kay Vice Ganda

Views

Kamakailan lang nga ng maging usap-usapan sa social media ang FB status ng senador na pinaniniwalaan ng mga netizens na patungkol sa pambabatikos sa kanya ng TV host-comedian na si Vice Ganda, dahil sa pagkontra niya sa Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality bill.

“When people resort to personal attacks, it means they have lost the debate! (lol)!” ang hugot ni Tito Sen.


Hindi man diretsahang pinangalanan ng senador ang taong pinariringgan niya sa kanyang mensahe, ang hula ng mga netizens ay para ito kay Vice na nag-post ng kanyang aria laban sa posisyon ni Tito Sen sa SOGIE bill.

Ilang netizens din ang nag-post ng screenshot ng FB post ng senador kasabay ng kanilang mga komento na ito na ang sagot ng actor-politician kay Vice.

Hindi nagustuhan ng Unkabogable Star ang sinabi ni Tito Sen na, “Women cannot be compared to a group like that because—I hate to say this but I have to—if you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce.

“You cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman."

“So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights.”

Ito naman ang naging salita ni Vice:

“Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto???

“Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak?

“E paano po yung mga nagkaroon ng matinding karamdaman at tinanggalan ng obaryo? Di na po ba sila BABAE? Wala na ba silang karapatang tawaging BABAE?

“O bumaba na ba ang uri ng kanilang PAGKABABAE? Paano din po yung mga baog at walang kakayahang magka-anak?

“Ano po sila? Di na din sila BABAE? Mga wala na ba silang kwentang mga BABAE? At paano naman po yung mga BABAENG choice nila na wag mag-anak dahil ayaw nila dahil sa kanilang mga personal na rason? Di na din ba sila matatawag na BABAE?

“Paano din po yung mga BABAE na may obaryo pero pinayuhang wag magbuntis dahil sa medikal na kondisyon at maaring mameligro ang kanilang buhay? Di na din sila BABAE? Ano na po sila?

“Paano din po yung mga BABAENG may obaryo pero wala pang anak dahil ayaw naman nilang magpatira kung kani kanino? Ano na sila? Parang ang baba naman po pala ng tingin nyo sa mga BABAE.

“Naniniwala po ako na ang mga BABAE ay BABAE di dahil sa obaryo at sa kakayahang bumukaka at umire. Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE.

“At MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi,may anak man o wala dahil sila ay ay TAO at sila ay BABAE.

“Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE. Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto. Pero i believe this statement is just not fair.

“There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS.”



Wednesday, September 11, 2019

Wedding ring nila Ella Cruz at Julian Trono, sa divisoria lang daw binili

Views



Kamakailan lang ng "Mabuhay ang bagong kasal" na ganyan daw ang pagbati kina Ella Cruz at Julian Trono nu’ng makita sila sa Viva office.

Si Ella raw kasi ay may pa-interview para sa pagwawagi niya bilang best supporting actress sa pelikulang “Edward” sa Cinemalaya 2019. Eh, bigla ring sumulpot si Julian Trono, kasama naman ang ibang mga batang artista ng Viva.


Agad nga raw napansin ng netizens ang "wedding ring" nila, na twinning daw talaga.

“Nabili namin sa Divisoria, buy one, take one. Wampipti lang! Pero natawaran ko, naging P100 na lang,” natatawang sabi ni Ella.

Pero ang tanong ng netizens kung ano nga raw ba ang pakiramdam nung time na kinakasal sila?

“Ako kinabahan talaga,” sagot ulit ni Ella.

Eh si Julian?

“Same day, sa wedding, lumabas ang itsura ko na, parang surreal feeling, eh. Kahit sabihin na may ilaw, may camera, parang ang kulang na lang, pamilya namin talaga,” sagot ni Julian.


Marami nga raw ang nagtampo na hindi sila naimbita sa kasal na ‘yon.

“Ang hirap i-spoil sa kanila, and at the same time, parang na-lead namin sila sa ano, na hindi nga sila invited. Si Mark Herras, nagsabi na nagtampo siya, kasi nga hindi man lang siya sinabihan,” pahayag ni Julian.

“Hanggang ngayon hindi namin sila sinasabihan. Hindi kami nagri-reply sa lahat. Hindi kami nagti-thank you sa kanila,” sabi naman ni Ella.

“Nu’ng una parang social experiment talaga, pero at the same time, parang naisip din namin, baka mali ang ginagawa namin, kasi nga marami ang nag-iisip ng kung ano-ano,” sabi ni Julian ulit.


Eksena nga lang daw ‘yon sa pelikula nilang “Not So Fake Love Story”. Pero, gaano na ba talaga sila katagal na magjowa?

“Mga 2 months pa lang. Hindi ako nagbibilang, eh,” sabi ni Julian.
‘Yung totoo?

“Friends lang kami. Hahahahaha!” hirit ni Julian.

Pero, bigla siyang tinitigan ni Ella, at nag-iba ang sagot niya.

“Oo naman, kami naman talaga. Hahahaha!” giit pa ni Ella.


Monday, September 9, 2019

Ivana Alawi, usap-usapan dahil daw sinangkot sa prostitusyon

Views


Kamakailan lang ng mag-viral sa social media ang mga larawan ni Ivana Alawi na kung saan may isang site na tila nakusalat ang presyo ni Ivana kung sakali raw ito'y i-bobook.

Kaya't na sabing biktima na rin ang Kapamilya sexy star na si Ivana Alawi ng fake news. Nakalagay ang picture nito sa isang site na diumano’y naka-advertise ang ilang kababaihan kabilang ang mga artistang babae na puwedeng ma-book.


Parehong site rin kunsaan, lumabas din ang picture ng Kapuso star na si Jackie Rice, ang Manila Bookings.


Hindi pa raw nakakausap si Ivana kung ano ang reaksyon nito na pati siya ay nakasama na sa ganito, pero knowing her, most likely na tulad ni Jackie, hindi na lang niya ito papansinin.

Ang manager ni Ivana na si Perry Lansigan ang nagbigay ng komento sa pagsasabing, “fake news ‘yan!”

Kung seseryosohin daw talaga, milyon ang ibabayad kay Ivana. Sa loob lang ng isang oras ay 2.6 million ang rate sa Penthouse Suite. Kung 2 hours naman ay 4.7 million.



Sunday, September 8, 2019

Kris Aquino, sinagot ang tanong kung malaki raw ba ang birdie ni James Yap

Views



Kamakailan lang ng hinayaan ni Kris Aquino na magtanong ang mga follower at fans niya sa kanya sa pamamagitan ng komento sa kanyang Instagram wall.

"I’m ready. THANK YOU for spending part of your 1st of July w/ me. #lovelovelove #gratitude #camaraderie,” sey ni Kris sa post niya na ‘Let’s have an IG Q&A? I’ll entertain your question & answer as honestly as I possibly can from 4-5 PM. Please like this post & let’s start tal­king."


Pero, ang pinaka nakatakaw pansin sa lahat ng tanong, na talagang ikinatuwa ng marami ay ang...

@a.bnll ‘Miss Kris daks ba si James? Hahahaha! Jokeee love you Krissy and Josh and Bimby.’

Sinagot pa rin ito ni Kris, na tulad nga nang naipangako niya.

“Maybe that question is best directed to his current partner? #proper.”

Ganiyan daw ka-powerful ang mga netizens ngayon, na kahit ang pinakaliit-liitan o pinaka-pribado na detalye sa buhay ng isang tao ay nagagawa nilang pakialaman.




Jean Garcia, gustong makipagromansahan daw sa bagets

Views



Kamakailan lang ng ma-interview si Jeaqn Garcia at sinabi nga niya na game siya na gumawa ng nauuso ngayon na May-December Affair film.

Hindi pa raw kasi nagagawa ni Jean ang gano’ng klaseng pelikula kaya interesado siyang gawin ito kung may mag-offer sa kanya.

Sabi niya:

“Open ako sa anything na hindi ko pa nagagawa. Pinag-uusapan naman namin ‘yan ni Direk Manny (Valera, her manager). Kung ano pa ba ang roles na hindi ko pa nagagawa. Magiging challenge sakin iyon."

“Ngayon kasi, uso sa mga actresses sa age bracket ko ang gumawa ng film na
ang tema ay May-December. Bakit naman hindi kasi kung maganda ba ang script, magaling ang artistang makakasama ko at mahysay ang direktor, hindi ako tatanggi,"

Willing pala talaga siyang makipag-love scene sa lalakeng mas bata sa kanya.

“Para sa movie, yes. Trabaho naman yun, eh. Para ipakita na rin na I still have it!” malakas na tawa pa ni Jean na kasama sa cast ng bagong primetime teleserye ng GMA-7 na The Gift.




Ogie Diaz, may payo sa mga kalahing LGBTQ+ at reaksyon tungkol sa issue ngayong SOGIE Equality Bill

Views

"Akin lang naman ito. Tungkol ito sa mga kapatid sa LGBTQ+. Kung ano ang gender n'yo nu'ng ipinanganak kayo, ok lang naman, du'n pa rin kayo mag-CR. Kasi, nakalaan din yon sa yo, nagkataon lang na nakabihis-babae ka.
Tulad kunwari sa mga transgender/transexual, kung feeling n'yo, eh mas kumportable kayong sa female CR pumasok, gow! For as long as hindi n'yo naman gustong kabugin ang mga babae sa loob. Maayos naman kayong papasok at hindi magmamaldita o magsisiga-sigaan.
Kung me mandidilat sa inyo o iirap, basta hindi kayo ginagalaw physically o pinagsasalitaan nang masakit, deadma na. Just mind your own thing. Kung me sumita sa inyo or binastos kayo, nasa inyo na yan kung paiiralin n'yo ang init ng ulo o magiging palengkera kayo o kalma lang kayo.
Pwede rin naman kayong pumasok sa CR ng lalake, dahil hindi n'yo pa naman siguro nakakalimutang umihi nang nakatayo, di ba? Pero kung feeling girl ka na at gusto mong sa cubicle umihi nang nakaupo kahit hindi ka pa operada, the cubicle is all yours. Kahit paupo ka pang umihi sa bowl, keri lang.
'Yung pasulyap-sulyap sa 'yo ng mga guys na pumapasok sa CR nila, normal lang 'yon. Kasi nga, iniisip din nila kung mali bang CR ang napasok nila o nahiya lang sila, dahil may magandang dilag ang naligaw sa CR nila.
Wag ka nang ma-offend sa mga glances ng mga guys o ng girls sa respective CR nila porke nandu'n kayo. Hayaan mo sila. After all, hindi naman sila ang magtataktak ng nota mo pagkatapos mong umihi sa urinal. Hindi rin naman sila ang magpupunas ng pwet mo kung tatae ka. Hindi rin sila ang mag-iipit sa ilalim ng ari mo para balik sa tambok ang keps mo.
'Wag na kayong mag-request ng sarili n'yong CR o sarili nating CR. Hangarin n'yo lang na sana, yung mga CR sa malls, malilinis at mababango at matino ang flush. At may respetuhang umiiral sa loob ng CR.
Saka habaan nating mga bakla, lalo na ang mga kapatid na trans, ang ating pasensiya, lalo na't hindi naman nu'ng kapanganakan n'yo iniba ang gender n'yo, di ba?
Hindi porke komportable ka na nakabihis-babae at masaya ka na feeling babae eh kailangang intindihin 'yon ng lahat ng tao. Kung paanong hindi lahat ng tao, maiintindihan 'yung happiness mo na magdamit babae. Maaaring may mga nakikiisa sa kung ano ang ayos mo at niyayakap ka, pero ang nakalulungkot, walang "sana all," eh.
Dahil we really cannot please everybody. Kahit ano'ng paliwanag mo, yes may makakaunawa, meron ding di makaka-gets sa 'yo. Kahit sabihin mong walang pakialaman ng trip o happiness, lahat ng tao, lalo na 'yung mga may facebook at masisipag mag-post ng saloobin, lahat yan, may opinyon. OA sa talinong manghusga. 'Yung iba, feeling entitled. 'Yung iba, mema lang.
Kaya tama na 'yung minsang pakikipaglaban sa nararamdaman, sa respetong hinihingi, karapatan at equality. Sa panahon ngayon, ang madalas na ipinaglalaban at pinag-uusapan, lalo na't araw-araw na lang laman ng social media, ay nakakaumay din.
Pansinin n'yo, nagkaproblema lang sa janitress itong si Gretchen Deiz, dahil hindi siya pinapasok, lumawak na ang usapin. Napunta sa SOGIE Bill hanggang sa gusto nang tumakbo ni Gretchen sa pulitika na aminin n'yo, maraming nainis. "Hindi lang pinaihi, kakandidato na sa susunod na eleksiyon?" 'yan ang natandaan kong nabasa kong comment mula sa isang netizen. Tingnan nyo yan. Imbes na manganak ang bilang ng gusto nating sumuporta sa SOGIE Bill, nababawasan pa at may mga nate-turn off na rin.
Gusto ko lang sabihin: Lahat tayo, may pinagdadaanan. Hindi lang ikaw na pinili mong maging babae o barako. Kahit ang mga normal na lalake at babae, meron ding sariling emote tungkol sa kanilang karapatan at existence o pagkakaroon ng double standard, hindi lang ikaw.
Lahat tayo, may kani-kanyang isyu.
Hindi ko sinasabing perfect ang buhay ko. May mga kagagahan din ako sa buhay. May pusong babae rin ako, pero bilang ako naman ito, pinili kong 'wag magdamit-babae, kundi normal na bihis ng isang lalake.
At mas pinili kong bumuo ng sariling pamilya, kasi ito naman 'yung gusto kong klaseng happiness.
Kung maraming humahanga sa akin bilang ama, salamat. Sana lahat natutuwa, di ba? Pero hindi, eh. Meron pa din namang mangilan-ngilan na nakataas pa rin ang kilay sa pinili kong buhay.
Pero ini-stress ko ba ang sarili ko sa kanila? Hindi. Hangga't hindi nila ako binabastos nang harapan at sinasaktan physically, wala silang maririnig sa akin, dahil wala akong pakialam sa kanila. Hindi ko na problema kung pinoproblema nila ako. Katwiran ko, hindi ko sa kanila kinukuha ang pinapakain ko sa mag-iina ko, kaya wa ako pakels.
At ano rin ba ang pakialam nila kung habang tina-type ko itong napakahabang post na ito sa celfone ko eh nasa banyo ako at nakaupo sa trono? Saka ang punto lang naman dito aaay, punyeta! Sorry. Sumawsaw sa water ng bowl 'yung ulo ng t*t* ko, syet! Sorry, sorry."


Saturday, September 7, 2019

"Maternity leave" na paandar ni Tito Sotto sinupalpal ni Ethel Booba

Views

Kamakailan lang ng sinupalpal daw ni Ethel Booba ang latest aria ni Sen. Tito Sotto. Na talaga namang pinag-usapana.

“Can a man who feels he is a woman apply for maternity leave to be equal to biological women?” say ng senador. Na sinagot naman ni Ethel ng ganito: “Regarding your question Sen., yes a man CAN apply but it will not approved. Apply lang naman tanong diba? Pero in reality, even biological women can’t apply for maternity leave if they are not pregnant. Charot!”

Ang daming kumampi sa stand-up comedienne na si Ethel. Binasag-basag talaga nila ang senador sa comments nila.

Ilang kumento ng netizens:

“Idol na idol kita Ethel. Imagine, mas logical pa reasoning mo kesa kay Sotto! He is such an airhead!”

“Talagang palaging walang sense at papilosopo ang mga bitaw mo @sotto_tito. Ayan binanatan ka ni witty Ethel ng paganyan.”

“Tito san ba naiwan yang utak mo? Sa iskul bukol malamang. Sino ba namang gaga ang mag file ng maternity leave ng di manganganak? May alam ka ba?”

“Pinasaya mo lalo ang Friday ko Miss Ethyl. Iba ka nga talaga.”



Fans ng KathNiel, galit na galit sa Viva website dahil tinakpan ng mukha ni Nadine ang mukha ni Kathryn

Views

Kamakailan lang ng magalut ang fans ni Kathryn Bernardo sa sinasabing pambabastos ng Viva website sa kanilang idol.

Nag-post daw kasi ng photo ang Viva ng mga young female celebrities at kasama doon si Kathryn. nabwiset ang fans ni Kathryn, dahil pinatungan ng muka ni Nadine Lustre ang mukha ng dyowa ni Daniel Padilla.

Nagwala raw ang KathNiel fans at nilait nila ang website. Burado na ang nasabing "photo as we write this".

Mga kumento ng fans:

“Stunning ladies? Talaga @Viva_Ent @VIVA_Films? Hindi ba kabastusan ang pagtakip nyo kay @bernardokath? Anong ipinaglalaban natin? Women empowerment pero ano yang ginawa nyo kay Kathryn? Inggit kayo dahil MILYONES ang kinita ng #HelloLoveGoodbye compared sa #Indak.”

“Ano sagot? Mas masahol ginawa nila kay Kath kasi sya lang ang tinanggal pinatungan pa. Obviously, sagabal talaga sa inyo si Kathryn. ”

“Tignan ninyo kung gaano kabastos ang @Viva_Ent sa Prime Star niyo. Kayo crop lang ang ginawa niyo pero sila tinakpan si Kathryn.”

“Magegets ko pa kung cinrop nyo lang si Kathryn pero tengene tatakpan nyo edi wow! Hahahaha!”

“This just goes to show how truly threatened you are of Kathryn. You can try to cover her all you 
want but it doesn’t chance the fact that her last movie alone made more than all your movies this year (and probably last year too) combined.”




Friday, September 6, 2019

Lea Salonga, nairita sa nagsabing sinipa na siya sa "The Voice Kids" kaya't agad itong rumesbak

Views



Kamakailan lang ng mainis si Lea Salonga sa lumabas na kuwento-kuwento na kesyo sinipa o tinanggal na siya sa “The Voice Kids” dahil sa pagsasalita raw ng katotohanan.

Ang sabi pa raw sa isang website:

“She was fired from the franchise after speaking out the truth!” ang sabi pa sa isang website."

Hindi naman ito pinalampas ni Lea, dahil posible nga raw na marami ang maniwala.

“Yet another fake ad saying I’ve been fired from The Voice and hawking some skin product. Neither of these things are true. Posting screenshots here (one of the FB feed snippet that leads to the article and the article itself). Here we go again. Gaaaaaaahd,” sabi ni Lea.


Todo react nga ang mga fans ni Lea, dahil sa pagkaka-present ng kuwento, parang legit nga raw ito.

* “Grabe what lengths some people would go for attention, hits or viewership. Eeew.”

Sagot ni Lea: “Namimingwit. Selling a bogus product in order to get credit card numbers and other personal info. Nadamay ako. Kainis.”

Hirit pa ulit ni Eugene Cailao: “Lea Salonga wow that’s even worse. Of course they’ll capitalize on relevant celebrities and issues. Good thing they’re caught!!!”


At ang sagot ulit ni Lea: “They’re not caught yet. I want them to not just get caught, but for their entire operation to burst into flames.”







Kris Aquino, niresbakan ang basher na nambatikos kay Bimby

Views



Mapag-iipunan na raw ni Kris Aquino ng sariling kuwarto ang panganay na anak na si Joshua. Inihayag niya sa kanyang Instagram, September 5, na fully paid na siya sa tax bill sa BIR para sa second half ng 2018.

Nagkaroon daw ng oversight ang kanyang accounting firm kaya raw nagkaroon ng dagdag na bayad sa kanyang tax. Tahimik daw niya itong trinabaho at ginawan ng paraan.

Bahagi ng caption ni Kris sa photo sa isang dinner ng pamilya:

“Sharing this because it’s a lesson for me hopefully to others na habang kumikita at kaya, importante na kailangang magtabi ng cash..maganda po ang investments pero mahirap pag masyadong matagal nakatali ang pera, lalo na pag may emergency or kagaya ko, malaking kailangang bayaran na may deadline, and tonight, I prayed heartfelt thanks kasi by tomorrow, September 5, fully paid ako sa BIR, and puwede ko pag-ipunan naman yung renovation ng area ng house namin na prinomise ko kay Kuya Josh, because deserve nya na to have his own ‘space’ without Bimb, mama being makulit & madaldal,”

Isang netizen ang nagkumento sa post ni Kris at pinuna ang anak na si Bimby:

 (@ador_alaskador) : “Sayang talaga si Bimby! Pag sa tatay nya lumaki for sure naging athletic n more on lalake mentality. Ang hinhin niya ngayon pag lumakad at kumilos at magsalita parang chismosa na tamad. Sayang talaga.”

Sagot ni Kris:

* “You have your fairy tales mixed up. I believe you were aiming for Tangled. Remember Cinderella was practically enslaved by her wicked stepsisters, you proclaimed you have a ‘diva’ lifestyle, remember?

* “Maybe Frozen is another choice? Just trying to be helpful. You’re IQ seems deficient.

* “Pleasant dreams from the mother who seems to be bothering you tremendously – oh my, vital sins are important and no ‘flares’ in 3 weeks – my medicine may keep me around longer than you. Toodeeldo.”


Arci Muñoz, napaiyak sa wish ng ina para sa kanyang lovelife

Views

Nag-explain daw si Arci Muñoz sa naging post niya sa Instagram kamakailan lang kung saan makikita ang bonding moments nila ng kanyang nanay noong nagbakasyon sila sa Japan.

Naiyak kasi si Arci sa naging mensahe sa kanya ng ina tungkol sa kanyang lovelife. Ito’y matapos ngang aminin ni Arci na hiwalay na sila ng boyfriend na si Anthony Ng.

Sabi ng kanyang ina:

“I wish Mona will (be) blessed with a loving and caring partner in life,” ang mensahe raw kay Arci ng kanyang nanay. Paliwanag naman ng dalaga, “Siguro naman, all of our mothers wanted us to have…siyempre nanay ‘yun e. Siyempre she wanted me to find someone who will really take care of me and love me the way that I am.”

Sabi ni Arci:

“Hindi ako naiiyak dahil heartbroken ako. Na-touch kasi ako kasi I didn’t expect that from my mom, ’cause we really don’t talk about relationships that much."

"Baka nawawalan na ng pag-asa yung nanay ko,” birong hirit pa Arci.






Sharon Cuneta, agad rumesbak sa mga netizens na nangbatikos sa kanya matapos kumain ang mga "yaya" ni Sharon sa resto ng naka-uniform

Views



Pinuna ng mga bashers si Megastar Sharon Cuneta dahil sa litratong ipinost niya sa Instagram kung saan makikitang nakasuot ng uniform ang dalawang yaya habang kumakain sa isang restaurant.

Comment ng isang netizen:

 “Ang panget lang sa public na kasuot ng uniform ang mga yaya dapat walang uniform ang mga yaya.”  


May ilang nagsabi na sana raw ay pinagsuot na lang ng casual clothes ni Sharon ang mga yaya o kasambahay para hindi naman sila nagmukhang kawawa sa litrato.

Hindi ito pinalampas ni Sharon na nagsabing hindi dapat gawing sukatan ang pagpapasuot niya ng unform sa kanyang mga kasambahay sa kung paano ang pagtrato niya sa mga ito.

Halos lahat daw ng mga nagwo-work sa kanilang pamilya ay taon na ang binibilang kaya tunay na pamilya na rin ang turing nila sa mga ito.

Sinabi rin ni Mega na dito lang sa Pilipinas niya pinagsusuot ng uniform ang mga kasambahay nila.

Narito ang mahabang kasagutan ni Sharon sa bashers: 

* “Maybe those who find it not nice that our yayas wear uniforms in public should meet them somehow and ask them how they are treated by me!

* “I’m so sorry you think that way. I guess if I have to explain it to you pa, that means you won’t understand.

* “When not in the Philippines – and I have taken one to four yayas abroad – and when I say abroad, I mean places like Hong Kong, Bangkok, Chiang Mai, and beach cities in Thailand, Ho Chi Minh in Vietnam, Tokyo, Osaka (including Universal Studios and Disneyland), Los Angeles, Las Vegas, San Francisco, New York, Boston, Washington D.C., Florida (including Disneyworld), Paris (including Disneyland), London, Milan, Rome, Florence, Vienna, Zurich, etc., etc. – they do not have to wear uniforms but whatever clothes they wear, and whatever shirts or jackets and souvenirs I buy for them, and the few hundred dollars EACH that I gift them with for their personal allowance to spend or to save – whatever they decide.

* “And where they eat together with us the same food our family eats, free tickets to some of the best seats at Broadway shows in New York that even my management team envies, and where my Yayas are treated like family.

* “Not a bad exchange for giving me and my family some decent representation in The Philippines, I think.”

Pagpapatuloy pa ni Mega:

 “At pati pala ang loyal driver ko of 30 plus years na si Nelson whom I fondly call ‘Dodong’ – kasama siya sa lahat ng places na sinabi ko sa U.S. at Europe but not anywhere in Asia except yata when I had a concert in HK?

“Astig yan si ‘Dudung’ ko! Hahaha! Minsan pag mahal ang restaurant na kinakainan namin, niloloko ko sinasabi ko sa waiter sya ang magbabayad!”


Read more: https://bandera.inquirer.net/227895/pagkain-sa-resto-ng-mga-yaya-ni-sharon-nang-naka-uniform-binatikos-ng-mga-netizens#ixzz5yke0w7bH

Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook



Tuesday, September 3, 2019

Anne Curtis, rumesbak sa bumatikos sa kanya na isang fan na sinabing tumigil na raw siya sa pagkanta

Views

Kamakailan lang ng maging usap-usapan ang si Anne Curtis na kung saan pinapatigil na siya ng ibang netizens sa kanyang pagkanta.

“Tumigil ka na sa pagkanta mo!” Yan ang matapang na pahayag ng isang netizen sa TV host-actress na si Anne Curtis.

Hindi napigilan ni Anne ang sarili na sagutin ang kanyang Instagram follower na nagsabing huwag na siyang kumanta dahil hindi naman siya talaga singer.

Nag-post kasi si Anne sa kanyang Instagram ng isang video clip habang kumakanta ng “A Million Dreams” "mula sa sikat na Disney musical The Greatest Showman", kuha ito sa “ANNEkulit, Promise Last Na ‘To” concert niya sa Davao City kamakailan.



Caption ni Anne sa video, “A sea of lights! MY FAVORITE PART from last night! Maayong buntag! Daghang Salamat Madlang Davaoeños! Nahigugma ko ninyo! From the bottom of my kasing-kasing! Palihug ayo-ayo always!”

“Tonight was a tribute to all the soldiers who have given their heart to serve and protect our people! Sana nag enjoy din po kayo! Till my next visit!

“Maraming Salamat Davao and Maraming Salamat din sa producers ko for bringing me in to make the Davaoeños happy and a great way to end the kadayawan festival!” mensahe pa ng Kapamilya actress.

Isang netizen nga ang nagkomento na itigil na ni Anne ang pagkanta, “I mean, you’re very good at acting but sorry to say singing is not for you. Just being honest.”

Narito naman ang resbak sa kanya ni Anne, “I am aware that I am not a singer and in fact the whole country has known this throughout my whole career. I never claimed I was. I’m actually vocal na sintunado (represent) ako. Although nag-improve na ako throughout the years in fairness to me. 



Porn actor sa US, natakam daw kay Catriona Gray

Views

Laking gulat ng sambayanan sa ‘di inaasahang komento ni Johnny Sins sa litrato ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kamakailan.

Hindi naman sexy ang litratong ibinahagi ni Catriona, basta-basta nalang sinabi nitong nasa lugar siya ng Philadelphia at unang beses lamang niya na mapadpad doon.


Nang bigla namang nagtanong si Johnny kung saang bahagi nito naroroon si Catriona.
"Where are you in Philadelphia?” komentong tanong ni Johnny.

Bumuhos agad ang samu’t saring reaksyon ng mga fans sa social media at lumobo rin sa mahigit 3,000 sa comment nito. Pakiramdam daw ng marami ay natakam si Sins kay Cat.

“Johnny Sins maawa ka kay Catriona mahal namin siya dahil karangalan siya ng Pilipinas wag mo naman siya pagbalakan ng masama,” sabi ng isang fan.

Pero agad din naman daw dinelete ni Johnny ang comment niya nang bigla nga itong mag-trend.

Kaya naman halos lahat ngayon ng mababasa sa comment section ay puro naghahanap sa naging paramdam ni Johnny.



Bakat na "hiyas" ni Yam Concepcion, usap-usapan ngayon

Views



Kamakailan lang ng i-post ni Yam Concepcion ang kanyang larawan sa Instagram na kung saan tila bakat nga raw ang hiyas nito.



Napansin nito ng netizens kaya naman talaga nag-viral ito sa social media, na kung saan pinag-uusapan nga.

Sexyng-sexy kasi si Yam Concepcion sa kuha niya sa salamin.

Narito nga ang ilang kumento ng netizens: 

“Like mo to kung nakita mo rin yung paa ng kamelyo,” saad ni kram218.

“Ayoko tingnan yung bakat,” ayon naman kay lkenndp.

“Ok lang yan na may bumakat Ay patay tayo dyan kapag walang bumakat na hiwa.. yun ang kalerky haha” ani drenmon.

Usap-usapan ngayon ng netizens ang tila tambok ni Nadine Lustre

Views



Kamakailan lang ng i-post ni Nadine Lustre ang kanyang larawan na kung saa siya ay nakaupo sa sofa at tila kita na nga raw ang tambok nito.

Patapang nang patapang na nga rin daw ang cha­racter ni Nadine Lustre. Tila wala na siyang pakialam kung mabosohan man s’ya ng kanyang mga followers sa Instagram.


Pabukaka nang bahagya ang pagkaka-upo ni Nadine, na nakataas ang kanyang isang paa habang ang isa naman ay nakalapat sa higaan. Masarap na tanawin ito sa mga male follower niya.

 Hindi raw ito ang unang pagkakataong nagpasilip ng kanyang tambok si Nadine. Sumungaw rin ang katambukan ng Viva artist sa isa nitong post habang nakaupo sa damuhan sa tabi ng ilog.


Nakataas hanggang hita ang damit ni Nadine. Dahil bahagyang nakabukaka ang aktres sa pagkakaupo nito, nasisilip ang tambok niya na natatakpan ng puti nyang underwear.



Sue Ramirez, mabangis daw ang pasilip pose

Views

Kamakailan lang ng mag-viral sa social media ang mga larawan ni Sue Ramirez, na kung saan tila pasimple raw pero may bangis ang pagpapasilip ng kanyang alindog.

Paminsan-minsan lang siyang mag-pose ng kanyang sexy photo sa Instagram pero hindi puwedeng hindi ito mapansin ng netizen.


Gaya na lamang ng two-piece bikini pic na ipinaskil sa kanyang IG wall. Iba rin ang impact ng kanyang paglalantad.


Hubog na hubog nga raw ang magandang pigura ng aktres, lalo na ang pagkakahulma ng sinasabing Coca Cola (‘yung naunang bottle design).


Meron daw mix-blood si Sue Ramirez kaya maganda ang pagkakalapad ng kanyang balakang at laki ng bo*bs. Idagdag mo pa raw ang kanyang mahabang legs.