Friday, September 6, 2019

Arci Muñoz, napaiyak sa wish ng ina para sa kanyang lovelife

Views

Nag-explain daw si Arci Muñoz sa naging post niya sa Instagram kamakailan lang kung saan makikita ang bonding moments nila ng kanyang nanay noong nagbakasyon sila sa Japan.

Naiyak kasi si Arci sa naging mensahe sa kanya ng ina tungkol sa kanyang lovelife. Ito’y matapos ngang aminin ni Arci na hiwalay na sila ng boyfriend na si Anthony Ng.

Sabi ng kanyang ina:

“I wish Mona will (be) blessed with a loving and caring partner in life,” ang mensahe raw kay Arci ng kanyang nanay. Paliwanag naman ng dalaga, “Siguro naman, all of our mothers wanted us to have…siyempre nanay ‘yun e. Siyempre she wanted me to find someone who will really take care of me and love me the way that I am.”

Sabi ni Arci:

“Hindi ako naiiyak dahil heartbroken ako. Na-touch kasi ako kasi I didn’t expect that from my mom, ’cause we really don’t talk about relationships that much."

"Baka nawawalan na ng pag-asa yung nanay ko,” birong hirit pa Arci.






Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment