Sunday, September 8, 2019

Jean Garcia, gustong makipagromansahan daw sa bagets

Views



Kamakailan lang ng ma-interview si Jeaqn Garcia at sinabi nga niya na game siya na gumawa ng nauuso ngayon na May-December Affair film.

Hindi pa raw kasi nagagawa ni Jean ang gano’ng klaseng pelikula kaya interesado siyang gawin ito kung may mag-offer sa kanya.

Sabi niya:

“Open ako sa anything na hindi ko pa nagagawa. Pinag-uusapan naman namin ‘yan ni Direk Manny (Valera, her manager). Kung ano pa ba ang roles na hindi ko pa nagagawa. Magiging challenge sakin iyon."

“Ngayon kasi, uso sa mga actresses sa age bracket ko ang gumawa ng film na
ang tema ay May-December. Bakit naman hindi kasi kung maganda ba ang script, magaling ang artistang makakasama ko at mahysay ang direktor, hindi ako tatanggi,"

Willing pala talaga siyang makipag-love scene sa lalakeng mas bata sa kanya.

“Para sa movie, yes. Trabaho naman yun, eh. Para ipakita na rin na I still have it!” malakas na tawa pa ni Jean na kasama sa cast ng bagong primetime teleserye ng GMA-7 na The Gift.




Loading...

Share this article to your social account.

1 comment:

  1. Ako nalang ang kunin mo ms.jean garcia. Handa akong ibigay ang scene na gusto mo.

    ReplyDelete