Friday, September 6, 2019

Kris Aquino, niresbakan ang basher na nambatikos kay Bimby

Views



Mapag-iipunan na raw ni Kris Aquino ng sariling kuwarto ang panganay na anak na si Joshua. Inihayag niya sa kanyang Instagram, September 5, na fully paid na siya sa tax bill sa BIR para sa second half ng 2018.

Nagkaroon daw ng oversight ang kanyang accounting firm kaya raw nagkaroon ng dagdag na bayad sa kanyang tax. Tahimik daw niya itong trinabaho at ginawan ng paraan.

Bahagi ng caption ni Kris sa photo sa isang dinner ng pamilya:

“Sharing this because it’s a lesson for me hopefully to others na habang kumikita at kaya, importante na kailangang magtabi ng cash..maganda po ang investments pero mahirap pag masyadong matagal nakatali ang pera, lalo na pag may emergency or kagaya ko, malaking kailangang bayaran na may deadline, and tonight, I prayed heartfelt thanks kasi by tomorrow, September 5, fully paid ako sa BIR, and puwede ko pag-ipunan naman yung renovation ng area ng house namin na prinomise ko kay Kuya Josh, because deserve nya na to have his own ‘space’ without Bimb, mama being makulit & madaldal,”

Isang netizen ang nagkumento sa post ni Kris at pinuna ang anak na si Bimby:

 (@ador_alaskador) : “Sayang talaga si Bimby! Pag sa tatay nya lumaki for sure naging athletic n more on lalake mentality. Ang hinhin niya ngayon pag lumakad at kumilos at magsalita parang chismosa na tamad. Sayang talaga.”

Sagot ni Kris:

* “You have your fairy tales mixed up. I believe you were aiming for Tangled. Remember Cinderella was practically enslaved by her wicked stepsisters, you proclaimed you have a ‘diva’ lifestyle, remember?

* “Maybe Frozen is another choice? Just trying to be helpful. You’re IQ seems deficient.

* “Pleasant dreams from the mother who seems to be bothering you tremendously – oh my, vital sins are important and no ‘flares’ in 3 weeks – my medicine may keep me around longer than you. Toodeeldo.”


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment