Friday, September 6, 2019

Lea Salonga, nairita sa nagsabing sinipa na siya sa "The Voice Kids" kaya't agad itong rumesbak

Views



Kamakailan lang ng mainis si Lea Salonga sa lumabas na kuwento-kuwento na kesyo sinipa o tinanggal na siya sa “The Voice Kids” dahil sa pagsasalita raw ng katotohanan.

Ang sabi pa raw sa isang website:

“She was fired from the franchise after speaking out the truth!” ang sabi pa sa isang website."

Hindi naman ito pinalampas ni Lea, dahil posible nga raw na marami ang maniwala.

“Yet another fake ad saying I’ve been fired from The Voice and hawking some skin product. Neither of these things are true. Posting screenshots here (one of the FB feed snippet that leads to the article and the article itself). Here we go again. Gaaaaaaahd,” sabi ni Lea.


Todo react nga ang mga fans ni Lea, dahil sa pagkaka-present ng kuwento, parang legit nga raw ito.

* “Grabe what lengths some people would go for attention, hits or viewership. Eeew.”

Sagot ni Lea: “Namimingwit. Selling a bogus product in order to get credit card numbers and other personal info. Nadamay ako. Kainis.”

Hirit pa ulit ni Eugene Cailao: “Lea Salonga wow that’s even worse. Of course they’ll capitalize on relevant celebrities and issues. Good thing they’re caught!!!”


At ang sagot ulit ni Lea: “They’re not caught yet. I want them to not just get caught, but for their entire operation to burst into flames.”







Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment