Thursday, September 12, 2019

Tito Sen, may hugot na tila reabak at patama raw kay Vice Ganda

Views

Kamakailan lang nga ng maging usap-usapan sa social media ang FB status ng senador na pinaniniwalaan ng mga netizens na patungkol sa pambabatikos sa kanya ng TV host-comedian na si Vice Ganda, dahil sa pagkontra niya sa Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality bill.

“When people resort to personal attacks, it means they have lost the debate! (lol)!” ang hugot ni Tito Sen.


Hindi man diretsahang pinangalanan ng senador ang taong pinariringgan niya sa kanyang mensahe, ang hula ng mga netizens ay para ito kay Vice na nag-post ng kanyang aria laban sa posisyon ni Tito Sen sa SOGIE bill.

Ilang netizens din ang nag-post ng screenshot ng FB post ng senador kasabay ng kanilang mga komento na ito na ang sagot ng actor-politician kay Vice.

Hindi nagustuhan ng Unkabogable Star ang sinabi ni Tito Sen na, “Women cannot be compared to a group like that because—I hate to say this but I have to—if you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce.

“You cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman."

“So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights.”

Ito naman ang naging salita ni Vice:

“Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto???

“Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak?

“E paano po yung mga nagkaroon ng matinding karamdaman at tinanggalan ng obaryo? Di na po ba sila BABAE? Wala na ba silang karapatang tawaging BABAE?

“O bumaba na ba ang uri ng kanilang PAGKABABAE? Paano din po yung mga baog at walang kakayahang magka-anak?

“Ano po sila? Di na din sila BABAE? Mga wala na ba silang kwentang mga BABAE? At paano naman po yung mga BABAENG choice nila na wag mag-anak dahil ayaw nila dahil sa kanilang mga personal na rason? Di na din ba sila matatawag na BABAE?

“Paano din po yung mga BABAE na may obaryo pero pinayuhang wag magbuntis dahil sa medikal na kondisyon at maaring mameligro ang kanilang buhay? Di na din sila BABAE? Ano na po sila?

“Paano din po yung mga BABAENG may obaryo pero wala pang anak dahil ayaw naman nilang magpatira kung kani kanino? Ano na sila? Parang ang baba naman po pala ng tingin nyo sa mga BABAE.

“Naniniwala po ako na ang mga BABAE ay BABAE di dahil sa obaryo at sa kakayahang bumukaka at umire. Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE.

“At MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi,may anak man o wala dahil sila ay ay TAO at sila ay BABAE.

“Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE. Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto. Pero i believe this statement is just not fair.

“There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS.”



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment