Wednesday, September 11, 2019

Wedding ring nila Ella Cruz at Julian Trono, sa divisoria lang daw binili

Views



Kamakailan lang ng "Mabuhay ang bagong kasal" na ganyan daw ang pagbati kina Ella Cruz at Julian Trono nu’ng makita sila sa Viva office.

Si Ella raw kasi ay may pa-interview para sa pagwawagi niya bilang best supporting actress sa pelikulang “Edward” sa Cinemalaya 2019. Eh, bigla ring sumulpot si Julian Trono, kasama naman ang ibang mga batang artista ng Viva.


Agad nga raw napansin ng netizens ang "wedding ring" nila, na twinning daw talaga.

“Nabili namin sa Divisoria, buy one, take one. Wampipti lang! Pero natawaran ko, naging P100 na lang,” natatawang sabi ni Ella.

Pero ang tanong ng netizens kung ano nga raw ba ang pakiramdam nung time na kinakasal sila?

“Ako kinabahan talaga,” sagot ulit ni Ella.

Eh si Julian?

“Same day, sa wedding, lumabas ang itsura ko na, parang surreal feeling, eh. Kahit sabihin na may ilaw, may camera, parang ang kulang na lang, pamilya namin talaga,” sagot ni Julian.


Marami nga raw ang nagtampo na hindi sila naimbita sa kasal na ‘yon.

“Ang hirap i-spoil sa kanila, and at the same time, parang na-lead namin sila sa ano, na hindi nga sila invited. Si Mark Herras, nagsabi na nagtampo siya, kasi nga hindi man lang siya sinabihan,” pahayag ni Julian.

“Hanggang ngayon hindi namin sila sinasabihan. Hindi kami nagri-reply sa lahat. Hindi kami nagti-thank you sa kanila,” sabi naman ni Ella.

“Nu’ng una parang social experiment talaga, pero at the same time, parang naisip din namin, baka mali ang ginagawa namin, kasi nga marami ang nag-iisip ng kung ano-ano,” sabi ni Julian ulit.


Eksena nga lang daw ‘yon sa pelikula nilang “Not So Fake Love Story”. Pero, gaano na ba talaga sila katagal na magjowa?

“Mga 2 months pa lang. Hindi ako nagbibilang, eh,” sabi ni Julian.
‘Yung totoo?

“Friends lang kami. Hahahahaha!” hirit ni Julian.

Pero, bigla siyang tinitigan ni Ella, at nag-iba ang sagot niya.

“Oo naman, kami naman talaga. Hahahaha!” giit pa ni Ella.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment