Tuesday, October 8, 2019

Alden Richards napahamak, binatikos sa photo with Imelda Marcos

Views

Kailan lang ng walang kamalay-malay si Alden Richards, pero heto nga at naiipit na siya dahil lang sa isang event na pinuntahan niya, ang solo art exhibit ni Elizabeth Oropesa.

Nag-post nga si Jean Garcia ng mga photo na kuha sa event na ‘yon ni La Oropesa. At makikita nga ang mga photo na magkakasama sina Jean, La Oro, Alden, at si former First Lady Imelda Marcos.

Dito nga na-triggered ang ilang mga fans ni Alden Richards, na obyus naman daw na galit kay Imelda Marcos.

Sabi nila, hindi dapat makita na kasama ni Alden si Madam. Gumawa nga raw ng “Alaala: A Martial Law Special” si Alden, kaya alam na alam daw nito ang mga kaganapan noong panahon ng mga Marcos.

Naruto naman ang post ni Jean Garcia:

“At the solo art exhibition of Ms. Elizabeth Oropesa @elizabethoropesa with the original Madame, former First Lady Imelda Marcos and my baby love Alden Richards @aldenrichards02. Congratulations Ma, I’m now a BIG fan of your work. Thank you for bearing your soul and daring to share it with us. I’m soo proud of you and I love you!!!

“You can view her beautiful artwork at Walls Gallery Truimph Bldg. in Quezon Avenue, from October 5-26, 2019. Maraming salamat po!”

At ‘yun na nga, sunod-sunod na ang reaksyon ng ilang tao na galit sa mga Marcos.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment