Tuesday, October 8, 2019

Anne Curtis at Marco Gumabao nagtikiman daw sa Portugal

Views



Sarap na sarap nga raw si Marco Gumabao sa movie nila ni Anne Curtis na kinunan sa Lisbon, Portugal.

At talaga naman daw leading man na ang dating ni Marco, at talaga namang bagay daw kay Anne, na una niyang nakatambal sa MMFF 2018 movie na “Aurora.”

Maiksi lang daw ang support role ni Marco sa “Aurora,” buti na nga lang daw at pinagtambal ulit sila ni Anne sa “Just A Stranger” at mukhang pangmalakasan na ang role ni Marco rito bilang partner ni Anne.

May pinost daw si Anne na shirtless at si Marco litaw ang six-pack abs habang nakapulang shorts lang ito at nakatingin sa kanya sa may balkonahe ng Palacio das Especiaras doon sa Lisbon.

Base sa caption dito ni Anne na, “We’re going to pay for this,” na linya ng karakter niyang si Mae ay obvious na may nangyari sa kanila ni Marco sa eksenang ‘yon.

Kaabang-abang daw talaga ang love scene na ‘yon nina Anne at Marco bilang wala silang anumang intimate moment sa filmfest horror movie na kinunan sa Batanes.

Nagawang mag-swimming daw ni Anne Curtis sa beach nang mag-shoot sila sa Praia de Torre.

Ang sexy nga nu’ng pinost na bikini pic ni Anne na nakaluhod siya sa dalampasigan.


Sa pinost naman ni Marco na beach shot nila ni Anne, ang caption niya ay linya ng karakter niyang si Jekjek na, “Minsan may mga bagay na masyadong maganda, pero minsan mo lang maranasan.”

May happy pic din si Marco with his co-stars na hapon pa lang ay nagwi-wine na sila sa may Belem Tower.

Bumagay nga raw kay Marco ang buhok niya at mas hot ang dating niya ngayon. 24-anyos si Marco at 34 si Anne, pero mukhang magkaedad lang sila bilang ganda pa rin, may asawa lang si Anne.

Sana nga raw ay mag-hit ang bagong movie ni Marco bilang floptsina ang mga nauna niyang ginawa sa Viva na “Abay Babes” at “Para sa Broken Hearted.”

Tapos na nga ang shoot nila sa Portugal so balik-‘Pinas na sina Marco at Anne.
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment