Wednesday, October 2, 2019

Anne Curtis, nakiusap sa showbiz press at may sinabi tungkol sa mga nagsasabing buntis siya

Views



Kamakailan lang ng makiusap na si Anne Curtis sa entertainment media na tigilan na ang paulit-ulit na pagtatanong sa kanya kung kailan ba siya mabubuntis.

Nagmistulang spokesperson ang TV host-actress ng mga female celebrities na matagal nang kasal pero hindi pa rin nagkakaroon ng anak.

Sa 10th anniversary presscon ng It’s Showtime, sinabi ni Anne na sana raw ay huwag nang usisain ng media ang tungkol sa pagbubuntis ng isang babae dahil baka may mga pinagdaraanan ang mga ito na maaaring makadagdag lang sa kanilang problema.


“I think I should take this opportunity and say that the press should stop asking that to any woman, because you don’t know what they’re going through,” paliwanag ni Anne.

Ayon sa misis ng celebrity vlogger na si Erwan Heussaff, she’s speaking not just for herself but to all the women out there. Aniya, in God’s perfect time ibibigay din sa kanila ang hinihintay nilang baby.

“For me naman, it will happen in God’s time, and I think at any time I’m ready for it. But I’m speaking for every woman. You don’t know what they’re going through,” pahayag pa ni Anne.



Pag-amin pa ng It’s Showtime host, “I have a lot of friends who may be trying, and medyo nakakasakit when people keep asking them, ‘When are you going to have a baby?’ Or maybe they just don’t want to have a baby.”

“I hope you guys don’t take this the wrong way, but I think in respect to every woman, you should stop asking when they’re going to get married, why don’t they have a baby, or when they are going to have a baby,” sabi pa niya.

Sinegundahan naman ni Vice Ganda ang mga sinabi ng kanyang co-host sa Showtime, “Si Anne wala naman siyang masama na gustong sabihin doon. Pero since nasasanay kasi tayo. Iyon ang isa sa nakasanayan na we should put a stop to.”

Ikinasal si Anne kay Erwan noong 2017 at hanggang ngayon nga ay hindi pa siya nabubuntis. Halos lahat ng mga celebrity friends niya tulad nina Georgina Wilson, Liz Uy, Isabelle Daza ay mga nanay na at kamakailan lang ay nag-announce na rin ang BFF niyang si Solenn Heussaff na buntis na sa panganay nila ni Nico Bolzico.



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment