Monday, October 21, 2019

Billy Crawford, nakakaalarma na raw ang pagpatuloy na pag-payat nito

Views

Kamakailan lang ng i-post ni Billy Crawford sa Instagram ang kanyang mga larawan na kung saan, makikitang talaga naman mas lalo pang pumayat ito.

Nag-aalala na nga raw ang mga supporter, fans ni Billy Crawford sa itsura nito, na ayon sa mga comment ay hindi na healthy tingnan.

Nag-post si Billy ng larawan niya habang nasa background niya ang matataas na gusali. Pailalim ang kuha kay Billy kaya lumabas ang humpak niyang pisngi at ang payat niyang leeg.

Dagdag pang nangingitim ang paligid ng mga mata ni Billy na siyang isa sa mga naging basehan ng mga nakasilip sa kanyang post para paalalahanan ito.

Sabi nga raw ng ilan sa kanyang mga fans, magdagdag daw ito ng timbang dahil hindi ito bagay sa kanya.

Mukha raw kasing may sakit si Billy sa itsura nito at gusto ng mga itong magdagdag ng timbang ang mang-aawit o kumain ng marami para magkalaman.

Wala nga raw himig ng pamimintas ang lahat ng mga nagsasabing “hindi magandang tignan” ang itsura ni Billy.

Nagmamalasakit lang daw sila sa aktor at hinahanap nila ang dating ka-gwapuhan ng Kapamilya star.



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment