Thursday, October 10, 2019

Charo Santos, napikon kay Vice Ganda, sinabing wag daw siyang sasagarin

Views

Kamakailan lang ng abangan ng marami ang Gandang Gabi Vice last Sunday, dahil si Charo Santos-Concio ang guest ni Vice Ganda. Nanginig sa kaba si Vice sa paghahanda sa interview sa kanyang boss.

Sa halos siyam na taon daw sa ere ng GGV, ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na napaunlakan siya ni Charo Santos na ma-interview ito, kaya naman pula raw ang isinuot niya bilang paghahanda.

Sa usapan nila, hindi makapaniwala si Vice sa mga salitang binitawan ni Charo tulad ng ‘Charot’, ‘Chos’, ‘Chenelyn’ at ‘Pakak!’. Todo halakhak ang mga fans sa bawat gay lingo na binabanggit ni Charo.

“Isang karangalan, Vice, pero gusto ko kasing malamang kung may sama ka ng loob sa akin?” paunang tanong ni Charo kay Vice, at hindi nga agad nakaimik ang host. Napansin daw kasi ni Charo na mula sa unang concert pa lang ni Vice, hanggang sa nitong nakaraang Pebrero, ay lagi siyang pinaglalaruan.

“Bakit lagi mo akong pinaglalaruan?” mukhang seryosong tanong ni Charo.

Ipinakita sa big screen na ginagaya ni Vice si Charo sa kanyang concert.

“Masakit eh, masakit. Ni hindi ka nga nagpapaalam sa akin. So Vice, magtapat ka na!” hamon ni Charo kay Vice.

Agad namang sinabi ni Vice kay Charo na wala siyang sama ng loob, at ang tanging nararamdaman daw niya ay pasa­salamat at labis na pagmamahal. Sabi pa ni Vice, sa paghahanap niya ng kalinga ng isang ina noon dahil nag-abroad nga ang kanyang ina, ipinaramdam daw ni Charo na may gumagabay sa kanya bilang isang ina.

Bigla ngang napaluhod si Vice at niyakap naman siya ni Charo. Pero sabi nga ni Charo, wala namang nagawa si Vice na na-offend siya pero masakit lang daw na inililipat-lipat ang kanyang nunal sa mukha.
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment