Sunday, October 27, 2019

Dahilan kung bakit pinagmumura ni Julia Barretto ang tiyahing si Claudine

Views



Kamakailan lang matapos tahasang sinabi ni Claudine Barretto na pinagmumura siya ng kanyang pamangking si Julia. Ang sakit-sakit daw nu’n sa kanya dahil parang itinuring na niyang tunay na anak ang magandang young actress.

Sa mga hindi pa raw nakakaalam, nagkasama sila ng pamilya nina Dennis Padilla at Marjorie nu’n, sa Loyola Grand Villas ang bahay.

Doon naman ininterview si Marjorie nang manganak ito kay Leon, ang bunso nila ni Dennis, Japanese style ang bahay na napakalaki.

Bahay ‘yun ni Gretchen, sa kuwento nila ay nailit ‘yun ng bangkong pag-aari ni Mr. Tony Boy Cojuangco, kaya libre lang na pinatirhan sa mag-asawang Dennis at Marjorie.

Pero biglang nagkaroon ng away sa pagitan nina Gretchen at Claudine, kakampi ng kanilang bunso si Marjorie, kaya gumawa ng aksiyon si Gretchen.

Biglang pinaalis na sila ni Gretchen sa bahay, meron na raw kasing nakabili, lilipat daw agad ang bagong owner ng bahay sa tinitirhan nila.

Naging sobrang close nu’n si Claudine at si Marjorie, parang tunay na anak na ang turing ni Claudine kina Julia, Claudia at Leon, Mama Pretty ang tawag ng mga bata sa kanya.

Kung totoo ngang pinagmumura raw siya ni Julia nu’ng burol ng kanyang ama ay napakasakit talaga nu’n para kay Claudine. Pero ang tanong, bakit ba siya namura ng teen actress, ano ba ang naghudyat nu’n para siya mamura ng kanyang pamangkin?




Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment