Thursday, October 17, 2019

Diego Loyzaga, ibinuking ang pakikipagrelasyon ni Sofia Andres sa ibang lalaki

Views

Kamakailan lang ng tuldukan na rin ni Diego Loyzaga ang anumang namamagitan sa kanila ni Sofia Andres na na-link sa kanya noon. Sa pamamagitan ng kanyang pagsagot sa isang comment ng isang netizen, diretsahan niyang sinabi na hindi niya girlfriend ang kapwa Kapamilya at meron na itong non-showbiz boyfriend.

Idiniin pa nga niya na hindi rin sila loveteam, na nagkatrabaho lamang sa Pusong Ligaw at sa isang Regal Films movie.

Pinakausapan pa nga niya ang mga netizen na huwag nang ida-drag si Sofia sa mga comment nila sa kanya, dahil baka magalit ang dyowa nito.

Sinabi rin daw niya na masaya siya sa dati niyang onscreen partner, pero sana ay tigilan na sila dahil meron na silang kanya-kanyang buhay.

Hindi rin niya nilinaw kung up to now ay magkaibigan pa rin sila, o kung may communications pa sila sa isa’t isa.

Basta ang malinaw, hindi raw sila magdyowa, o kung naging magdyowa ba sila in past.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment