Monday, October 14, 2019

Duterte, nagbabala sa pinakilalang lalake ng kanyang anak na si Kitty

Views

Kamakailan lang ng i-post mismo ng lalake na kasama ni Kitty Duterte sa Twitter ang mga larawan nilang dalawa upang batiin ang anak ng presidenteng si Kitty.

Nag-warning nga raw si Pangulong Rodrigo Duterte sa 17-anyos na lalaking pinakilala sa kanya ng anak na si Veronica “Kitty” Duterte.

Sa isang event na dinaluhan ng Pangulo kamakailan, naging laman ng kanyang talumpati ang tungkol sa dinalang lalaki ng kanyang anak na si Kitty.

“Ang Veronica ko nagdala ng lalaki. Gusto daw akong makilala. Sabi ko walang problema,” panimula ng Punong Ehekutibo.


Kamakailan lang umingay sa social media ang litrato ni Kitty kasama ang isang binata na kapwa high school student niya.

Nang makipag-usap umano ang Pangulo sa binata sinabihan niya ito ng:

“Yang anak ko kaisa-isahan sa aking asawa na si Honeylet. Mahal namin ‘yan. Gusto mo kong makilala, kilala na kita ngayon at least madali kitang hanapin. Sabi ko, just be descent. Bata pa ‘yan. Sabi ko, no physical. ‘Wag mong hawakan maski ang kamay. Huwag mong halikan ‘yan, hindi pa puwede at hindi sawsawan ‘yan.”

Si Veronica o mas kilalang Kitty ay 14-anyos na nag-iisang anak ng Presidente sa partner niyang si Honeylet Avanceña.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment