Saturday, October 5, 2019

Heart Evangelista, umagree sa sinabi ni Anne Curtis tungkol sa pagbubuntis

Views
script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js">


Agree nga raw si Heart Evangelista sa sinabi ni Anne Curtis kamakailan lang na tigilan na sana ng mga reporter ang pagtatanong sa mga babae kung kailan sila mabubuntis o magkakaanak.

Tulad daw ni Anne, palagi ring natatanong ang asawa ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero kung kailan uli siya magbubuntis matapos makunan ng dalawang beses. Kaya sa isang event hiningan siya ng reaksyon sa naging pakiusap ni Anne sa entertainment media during the 10th anniversary presscon ng It’s Showtime.

“I think we have to stop being at each other’s backs or down our throats all the time about something so personal.


“Some people, they work for their family. May mga pinapaaral sila, and they have their sacrifices. It’s not that they don’t want to have a baby. You’ll never know,” tugon ng Kapuso actress.

“Like, for example, me, right after I lost, you know what happened to me. Parang, people think it’s like bumili ka lang ng bag. ‘So when are you gonna buy another bag?’ Di ba? We all have our personal reasons, so I guess we should be a little bit more kinder to each other,” pahayag pa ni Heart.

Sabi pa niya, hindi naman daw siya napipikon kapag tinatanong siya kung kailan uli siya magbubuntis uli, pero mas magandang irespeto na lang ng media ang desisyon ng mga female celebrities na wala pang mga anak kahit matagal ng kasal, “We’re all going through something.”

script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js">
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment