Monday, October 21, 2019

Julia Barretto, pinagmumura ang tiyahin na si Claudine Barretto

Views

Kamakailan lang matapos magka-issue ang Barretto sisters na talaga namang pinag-uusapan hanggang ngayon ng netizens, lalo pa't nung nalamang pinagmumura ng actress na si Julia Barretto ang Kanyang tiyahin na si Claudine Barrtto.

Kaya't hanggang ngayon ay puno pa rin daw ng tensyon sa huling gabi ng burol ng ama nina Claudine, Marjorie at Gretchen Barretto na si Mike Barretto. Ito ang naramdaman namin nu’ng magpunta kami sa last night ng wake nu’ng Friday.

Mukhang tahimik naman na raw sila sa huling gabi pero ramdam mo pa rin daw ang tensiyon. Na dapat lang naman daw, kahit sa huling gabi man lang ay respetuhin nila ang namayapa nilang ama.

Kuwento ng netizen: 

"Noong paalis na kami nakasabay namin si Claudine sa restroom. Nagkatsikahan kami saglit sa loob ng CR tungkol sa kaganapan nu’ng second night ng wake"

"Una naming tanong kay Claudine, kung totoo ba na si Gretchen ang dahilan ng pagtatalo nila ni Marjorie. Tama raw pero bukod doon ikinagalit daw ni Marjorie ang pagdating ng isang staff from an entertainment online news sa wake."

"Akala raw ni Marjorie si Claudine ang nagpapunta sa staff doon sa wake at pati na sa ibang taga-media na dumating."

"Kaugnay nito, may nag-post din sa Facebook na sinabi diumano ni Marjorie kay Claudine na bakit pa niya pinapunta ang mga patay-gutom na ‘yan. Na maaaring ang tinutukoy ni Marjorie ay ang mga members ng entertainment press."

"Tinanong ko rin si Claudine if true ba na dinuru-duro at tinulak-tulak daw siya ni Marjorie kaya na-provoke siya na sampalin ang kapatid? Tumango rin si Claudine sa amin."

"Pangatlo, if true rin ba na minura siya ng pamangkin niyang si Julia Barretto ng dalawang beses at ano ang na-feel niya? “Yes. Ang na-feel ko? Nasaktan ako kasi parang anak ko mismo ‘yung gumawa sa akin noon, e,” malungkot na tugon ni Claudine."

Tama naman daw sa part na yun si Claudine. May mga nagme-message rin daw na after mabalitaan ang ginawa ni Julia at nire-recall ang pagmamahal at tulong na ibinigay ni Clau sa pamilya ni Marjorie at iba pa niyang mga kapatid.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment