Tuesday, October 15, 2019

KC Concepcion, na-bash nanaman dahil sa inupload niyang larawang halos hubo't hubad na siya sa IG

Views

Kamakailan lang ng pagpyestahan nanaman ng mga kalalakihan at katomboyan ang mga sexy photos ni KC Concepcion sa Instagram kung saan halos kita na ang kanyang hubo’t hubad na katawan.

Halo-halo ang mga reaksyon ng mga netizens sa mga litrato ni KC, may mga pumupuri sa kanyang katawan pero marami rin ang namba-bash sa kanya at tumatawag sa kanya ng “laos na boldstar”, “desperada” at “papampam sa mga guys”.

Para naman daw sa nanay ni KC na si Megastar Sharon Cuneta, matanda na ang anak niya at alam na nito ang kanyang ginagawa kaya okay lang sa kanya ang ginagawa nitong pagpapa-yummy sa social media.

Tanong ng netizens kung ano naman daw kaya ang reaksyon ng tatay niyang si Gabby Concepcion nang makita nito ang mga litrato ni KC kung saan halos lumuwa na ang boobs at ang buong katawan nito?

Sa nakaraang presscon ng Beautederm para sa pagpapakilala kay Gabby bilang bago nilang endorser, natanong ang aktor tungkol dito.


“Well, ako, I love art. Kung maganda naman at marami naman akong nakikitang mga ganu’ng style. Pero, of course, coming from your daughter, nakakapanibago lang."

“Of course, I’m open to that, hindi naman ako ganu’n (conservative), kung anuman ang ginagawa ng anak ko, alam ko she’s responsible enough para panindigan yan,” pahayag pa ni Gabby na guwapung-guwapo pa rin sa kanyang edad ngayon na siyang dahilan kung bakit kinuha siya ni Rhea Tan bilang bagong celebrity endorser ng Beautederm.

Sa mga bumabatikos at nanglalait naman daw kay KC, payo ng aktor huwag na lang daw magpaapekto ang dalaga, “Well, there will always be critics. Okay lang yun, if that’s how she feels and how she express her photo sessions or art form.”

Tinanong din ang aktor kung nakausap ba niya ang anak tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na foreigner.

“Yun din ang maganda, e, it’s unpredictable. Life is full of challenges, sabi nga nila, maraming hurdles."

“Ngayon, heto na naman tayo sa mga hurdles ng buhay. Hindi lang naman siya, lahat tayo. Nag-usap kami. Happy naman siya ngayon because of her new commercial,” pahayag ni Gabby.

Hindi man daw sila madalas na magkita ni KC, "Ang importante lang naman is there’s communication, nagtatawagan."



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment