Sunday, October 27, 2019

Marjorie binasag sina Gretchen at Claudine kay pangulong Duterte

Views

Kamakailan lang nga lang ng magka-issue nga ang mga Barretto sisters at talaga namang naging usap-usapan ito hanggang ngayon.

“MR. PRESIDENT, nagbabait-baitan lang po sila sa harap ninyo! Yan ang totoong pagkatao nila!”

Yan ang isa sa mga sinabi ni Marjorie patungkol sa tunay na ugali umano ng kanyang mga kapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto.

Nasabi rin yan ni Marjorie habang nagkakasagutan silang magkakapatid sa harap mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nasa burol ng kanilang amang si Miguel Barretto.

Nagpa-interview din si Marjorie sa TV Patrol matapos magsalita si Gretchen na siya ang dahilan kung bakit inatake ang kanilang tatay na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Sa nasabing panayam, kinumpirna muna ni Marjorie na nagkaroon daw talaga ng relasyon ang pamangkin niyang si Nicole at ang businessman na si Atong Ang na una nang nagdenay na naging girlfriend niya si Nicole.

Ayon kay Marjorie, bago pa dumating si Gretchen sa burol ng ama ay nakatanggap na ng text message si Nicole at ang ina nito mula sa kampo ni Atong Ang. Pinakiusapan daw sila kung pwedeng umalis muna sila sa burol dahil darating nga sina Gretchen at Atong.

“They said, kung puwede umalis muna sila Nicole at ‘yung mga kapatid niya, dahil parating si Gretchen at si Atong. Bigla na lang lumuha (si Nicole). Apo siya, e. She had more right in the wake.

“Tapos siyempre napapahiya siya sa aming lahat, kasi very present si Atong sa lahat ng family gatherings namin in that almost five years, as the boyfriend of Nicole. Napapahiya rin naman si Nicole na papasok silang magkasama. Parang sampal na sa pagmumukha niya ‘yon. It was not the place to do that,” sabi pa ni Marjorie.


At nu’ng dumating na nga sina Gretchen at Atong sa lamay ay nagsimula na ang tensyon, “Dumating ang Pangulo (Duterte), he had his moments with my mom and prayer for my father. On cue ni Claudine, dumating si Gretchen at si Atong. Atong stayed at the end (ng chapel). Gretchen was there, apologizing to my mother, crying. We were at the side.”

“They were claiming na mainit na ulo ko. Hindi lang po ako. ‘Yung pamilya ko po, dahil na-offend kami really about Atong sending our nieces and nephews out of the wake of our father. That’s the tension,” patuloy ni Marjorie.

“Sabi ko, ‘Mr. President, I respect you, I love you, I voted for you, sir. Pasensya na po. Hindi po kita mapagbibigyan.’ I could see her face. I could see the insincerity in Gretchen. I know her the most,” lahad pa ni Marjorie.

Tungkol naman daw sa komprontasyong naganap sa kanila ni Claudine:

“She says, ‘You’re unbelievable!’ Tumingin ako, bunsong kapatid. Diyan nag-start ‘yung bastusan, actually. And then she followed with, ‘How dare you! You just want the attention!’

“I said, ‘Mr. President, tingnan niyo po ‘to. Ito po ‘yung totoong pagkatao nila. Nagbabait-baitan lang po sila sa harapan ninyo. I hope you understand,’” aniya pa.

Rumesbak din si Marjorie sa sinabi ni Gretchen na siya ang dahilan kung bakit inatake ang kanilang ama, hindi raw kasi niya inimbitahan sa birthday party ni G. Mike ang kanilang inang si Inday Barretto


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment