Saturday, October 12, 2019

Mystica, hinamon ng biritan showdown si Jaya

Views

"Siguradong paluluhain ko lang si JAYA! Ako ANG KAKATAY DIYAN!” 

‘Yan daw ang matapang na banat ng singer na si Mystica laban kay Soul Diva Jaya matapos ma-gong ang aktres na si Shirley Fuentes sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime Celebrity Edition.

Si Jaya raw kasi ang punong hurado sa nasabing TNT episode na nagdesisyon i-gong si Shirley dahil sa mga sablay na nagawa nito habang kumakanta ng “Luha” (Aegis).

Humingi ng paumanhin si Jaya sa kanyang kaibigan at sinabing baka nanibago lang ang aktres sa bagong areglo ng kanta.

“Hindi kita masisisi. Siguro, this is not a song na kinakanta mo or hindi lang nagtugma yung ginagawa mo sa inensayo niyo kanina. Ang daming pumapasok na kaba,” paliwanag ni Jaya

“So, sorry talaga, pero kinailangan kitang i-Gong kasi talagang nagkamali ka sa mga parte na narinig namin.Pero alam ko kung gaano ka kagaling kumanta. Don’t let that discourage you. We love you,” aniya pa.

Napanood siguro ni Mystica ang performance ni Shirley sa TNT kaya sa pamamagitan ng kanyang Facebook account hinamon niya si Jaya ng biritan showdown.

“August 1 pa noong naialok sa akin ang Tawag ng Tanghalan! Pwede akong sumali sa Tawag ng Tanghalan at kantahin din yung kinanta ni Shirley Fuentes na LUHA basta si Jaya ang kalaban ko. I DARE HER! Kung biritan din lang ng LUHA, siguradong paluluhain ko lang si JAYA! AKO ANG KAKATAY DIYAN!” ang unang pahayag ni Mystica.


“Wala raw akong career kaya i-risk kong ipa-GONG ang sarili ko sa Tawag ng Tanghalan! Ang tanong, magkano? Sa halagang barya-barya lang tapos ipakatay ko ang sarili ko sa mga judges na kapwa ko rin celebrities? For what? I don’t need to prove my singing profession anymore!"

“Tama na ‘yung Rock Diva at Split Queen na ako! Hindi ko na kailangang maging ‘Gong Diva’ ano! Mas kailangan ng lola niyong rumaket kaysa magpa-gong gong na ‘yan!” dagdag pa ng singer."

Mabilis na kumalat sa social media ang FB status ni Mystica kaya naman naging instant trending topic ito. Nang makarating kay Jaya ang hamon ni Mystica, simple lang ang naging sagot niya sa kanyang followers."

“Haha ok lang ‘wag na po natin pansinin (smiling emoji),” sabi ng TNT judge.



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment