Friday, October 4, 2019

Nadine, lalayas na rin daw sa Viva para maging talent ni James Reid

Views


Kamakailan lang ng maging usap-usapan ang pagtatayo na raw ng sarili niyang artists agency si James Reid.

Ang nasabing kumpanya na ang mag-aalaga sa kanyang career at puwede rin siyang kumuha ng mga kapwa niya personalidad na gustong magpa-manage sa kanyang opisina.

Sila ng kanyang ama ang magpapatakbo ng kanilang talent agency, nakaplano na pala ‘yun bago pa man siya umalis sa Viva, gusto na ngang magsarili ni James Reid noon pa man.

Pero halatang nabawasan daw ang kinang ng young actor nang talikuran niya ang Viva, opinyon kasi ng mas nakararami ay wala siyang pagtanaw ng utang na loob, panalo man siya noon sa PBB ay matagal namang natengga ang kanyang pangarap kundi pa siya inalagaan ng kumpanya ni Boss Vic del Rosario.


Tingnan natin kung paano patatakbuhin ng mag-ama ang pinainit na pangalan ng young actor. Abangan din natin kung magpapaalaga rin ba sa kanilang ahensiya ang kanyang girlfriend na si Nadine Lustre.

Mas madalas kaysa sa hindi na nauunsiyami ang career ng mga artistang walang utang na loob. Nauuwi ‘yun sa wala. Kinalilimutan sila ng kasaysayan,

Kahit itanong pa raw kay Idol Lourd de Veyra. Tsismis noon, kasaysayan ngayon, history with Idol Lourd de Veyra!



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment