Monday, October 21, 2019

Preso posibleng mapalaya dahil kay Yasmien Curdi

Views

Kamakailan lang ng mabigyan ng pag-asa ni Yasmien Kurdi na magkaroon ng pagkakataong mapalaya ang isang preso dahil sa kanyang kabutihan.

Umani ng papuri ang Kapuso star sa naging gesture niya na tulungan ang isang preso na mabuksan muli ang kaso nito at posibleng mapalaya.

Makikita sa Instagram niya ang photo na kasama ang dalawang preso sa magkakahiwalay na larawan at isang painting. Sa caption, sinulat ni Yasmien na sa BJMP sila nag-taping ng kanilang episode para sa “Beautiful Justice”.

At sa kuwento ni Yasmien, namangha siya sa mga painting na naka-display sa kulungan na gawa ng mga inmate.

At napag-alaman niyang kapag may bumili ng painting sa mga naka-display ay magkakaroon ng tsansa ang isang preso na mabuksan ang kanyang kaso at mapalaya mula sa bayad sa naturang artwork.

Binanggit ni Yasmien ang pangalan ng presong si Maricris Estrada na siyang may tsansa na dingging muli ang kaso nito at may potensyal na mapalabas ng kulungan.

Naging emosyonal si Yasmien dahil sa naiisip niyang makakasama na ng babae ang kanyang buong pamilya kapag nakalaya ito.

Pinuri ni Yasmien si Jason na siyang may obra ng painting at ang warden na nag-asikaso sa kanilang pananatili sa lugar.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment