Friday, October 11, 2019

Singit ni Sue Ramirez, pinanggigilan ng netizens lalo ng mga kalalakihan

Views

Kamakailan lang ng biglang mabulabog ang social media account ni Sue Ramirez, dahil sa photo niya.

Isang photo na hindi akalain ng 3.3 million followers niya na ipo-post at gagawin niya sa Instagram.

Noon pa man daw ay sinasabi na  ng mga netizens na may kaseksihan siya, pero hindi niya basta-basta mailantad.

At kahapon nga, nang ibinuyangyang nang buong-buo ni Sue for the first time ang kanyang katawan. Naka-2 piece ang dalaga at labas na halos ang singit dahil sa sobrang taas ng bikini na suot niya.


Dati raw kasi, mag-bikini man siya, tinatakpan pa rin niya ito ng tapis o short shorts. Pero kamakailan nga lang, hina­yaan na niyang pagpiyestahan siya ng mga fan niya.

Kaya naman kahit ang mga kapwa niya seksing sina Liza Soberano, Valeen Montenegro, Julia Barretto ay napasigaw sa kaseksihan niya. Umabot na nga sa kulang-kulang 330,000 ang likes ng sexy photo na ‘yon ni Sue. At libo-libo na ang komento.

Maraming babae ang nagsabi na na-confuse na tuloy sila sa kasarian nila dahil big­la silang nakaramdam ng paghanga kay Sue.

Ang iba naman, sinabing tinapos na ni Sue ang contest ngayong summer, dahil ginalingan niya at winner na nga siya.

Dahil talahiban ang location sa senaryo sa photo ni Sue, gusto na raw nilang maging ahas na tutuklaw kay Sue. Ang lakas nga raw kasi ng sex appeal at mapanukso talaga ang dating nito.

At marami ang nag-alala na masugatan siya dahil puro mga damo na medyo matatalim ang dahon daw ang nasa paligid niya. Ang iba ay nagsasabing tiis ganda ito dahil masakit nga naman ang mga damo na dumadampi sa kanyang balat.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment