Tuesday, October 8, 2019

Vice Ganda at Ion, nagtutukaan sa harap ng ina niya

Views

Naging usap-usapan kamakailan lang na talaga naman daw na mabuting anak si Vice Ganda. Para sa ina, gagawin niya ang lahat para mapaligaya ito, sa maliit, o sobrang laki man na paraan.

Matapos nga yon, nag-celebrate nga ng kanyang birthday ang madir ni Vice, at sa isang sosyaling restoran ito ginawa. Simple lang ito, dahil mga malalapit na kaibigan at pamilya lang ang imbitado.

Dinner lang daw talaga, na may pasabog na pa-cake (tatlong masasarap na cake) sa bandang huli.

Siyempre at na sa Instagram story ni Vice ang event na ‘yon. At kitang-kita nga ang pasasalamat ng nanay niya sa kanya, dahil sa sorpresang’ yon.

Sa dulo ng video ni Vice, biglang lalabas si Ion Perez, na katabi niya. At yes, with matching halik pa raw kay Vice.

Legal na legal, legit na legit na nga raw ang relasyon nina Ion at Vice sa harap ni Mrs. Viceral. Na kung mag-kiss man sila, okey lang ‘yon sa nanay, at tanggap niya’ yon, para sa ikaliligaya ng kanyang anak.

Tuka lang naman daw ‘yon, beso lang ‘yon, at hindi naman daw torrid kissing scene ‘yon at parang pabiro lang naman daw ‘yon, pero puno ng pagmamahal.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment