Thursday, October 10, 2019

Vice Ganda, "sinabunutan" si Anne Curtis dahil sa selos

Views



Payo ng ilang netizens: Sa mga babae riyan, ‘wag kayong basta lalapit kay “Kuya Escort” Ion Perez kung ayaw niyong makatikim ng sabunot kay Vice Ganda.

Ito raw kasi ang ginawa ni Vice Ganda kay Anne Curtis nang makita niyang nakikipagsayaw ito sa rumored boyfriend niya.

Habang sumasayaw daw kasi si Vice ng Cha Cha kasama ang isang contestant ng “Mr. Q and A,” bumu-ballroom din pala sina Ion at Anne sa likod niya.

Hindi raw agad namalayan ‘yon, dahil aliw na aliw rin daw si Vice sa pakikipagsayaw sa isang contestant. Panay ang sigaw at tawa ng mga fans, kaya lalong ginanahan si Vice sa pagsayaw.

Pero, noong tumalikod siya, nakita nga niya ang ginagawa nina Anne at Ion. Sinugod agad ni Vice ang ang dalawa at hinablot sa buhok nang pabiro para pigilan ang kunwaring pakikipaglandian ni Anne kay Ion.

Siyempre ay hindi napigilan ng Unkabogable Star na mapa-walling ala Vilma Santos at sabihing, “Sa isang iglap, gumuho ang lahat.”

Bago pa ang eksena ng sabunutan, una nang naganap ang selosan noong ayusin ni Anne ang bowtie ni Ion. Pero paliwanag ni Anne, bilang ate ay ginagawa niya ‘yon kay Ion.
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment