Sunday, November 10, 2019

Angelica Panganiban, nagreklamo sa ASAP, dahil naalarma sa mga fans na bumili ng ticket dahil sa kanya

Views

Kamakailan lang nang magreklamo ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang produksyon ng ASAP Natin ‘To matapos kumalat ang balita na kasama siya sa mga Kapamilya stars na magpe-perform sa Rome.

Ayon kay Angelica, maraming fans and followers niya sa social media ang nagsabing excited silang makita na siya nang personal sa Rome, Italy kasama ang iba pang artists ng ABS-CBN para sa nasabing ASAP show next week.

Ang unang nalaman daw ni Angelica ang tungkol dito nang sabihan siya ng isa niyang Instagram follower na inaabangan na siya ng kanilang grupo sa magaganap na “ASAP Natin ‘To Rome.

Galing pa raw sila sa Belgium at bibiyahe nga patungong Rome para makapanood lang ng ASAP. Sabi ng netizen sa kanyang post.

 "Sana Miss Angelica sa show niyo sa asap tong nov 16 ay makalapit kami sayo at makapagpa pic sayo ng maayos. napakasaya namin."

"Kasi galing pa kami belgium at inaabangan itong asap namin. na may rome italy ilan days na. sana alam ko hirap makalapit segro sa inyo.pero hope. (heart and laughing with tears emojis),” mensahe pa ng OFW.

Bukod pa raw dito, nag-comment pa ang mga IG followers ni Angelica na ipinakikita raw siya sa teasers ng ASAP Natin ‘To Rome sa TFC (The Fi-lipino Channel) kasama ang iba pang Kapamilya perfor-mers.

May nagsabi pa nga na kaya lang sila bumili ng ticket para sa nasabing show ay dahil nakita siya sa mga commercial.

Dahil nga rito, agad nilinaw ni Angelica na hindi siya kasali sa magaganap na ASAP show sa Rome. Humingi rin siya ng paumanhin sa lahat ng bumili ng ticket nang dahil sa kanya.

Ilang sandali lang ang lumipas ay nag-post uli ang dalaga sa IG ng mensahe para linawin ang issue. Itinag pa niya ang Instagram account ng ASAP sa kanyang tanong na, “Bakit hindi sila na inform?”



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment