Saturday, November 2, 2019

Arci Munoz, na-baliw daw dahil natulog sa kalsada ng Korea dahil sa BTS

Views



Kamakailan lang ng maging usap-usaplan na dahil daw sa pagkabaliw at pagkahumaling ni Arci Muñoz sa paboritong Korean Pop band, ang BTS, pumila, naghintay nang matagal, nahiga sa kalye at natulog sa kalsada ang aktres.

Nag-post si Arci ng larawan niya na kuha sa labas ng Pop Store ng BTS.

Dumayo pa si Arci sa Korea para panoorin ang concert ng naturang K-Pop group at kasama sa agenda niya ang pasukin ang merchandising store ng boy group.

Pero hindi naging madali kay Arci ang pinagdaanan bago siya nakapasok sa tindahan. At dahil hindi naman kilalang aktres si Arci sa Korea, naranasan niya ang maging isang ordinaryong fan.

Kabilang na nga ang paggising ng umaga, paghihintay ng limang oras sa pila at matulog nga sa kalsada sa kahihintay na papasukin sila sa store. Aminado naman ang aktres sa pagkabaliw niya sa BTS.

“Crazy things you’ll do for the love of ‘em boys. So…we waited in line for 5 hours in the open cold nakaupo sa cement since 5:30am waiting for the house of BTS to open at 10am!!! Yes natulog kami sa kalsada.

“Actually, hindi ako natulog. Hahahaha!” sabi ni Arci.

Pagdating na pagdating ni Arci sa tinutuluyan nito sa Korea mula sa flight nito mula sa Manila, hindi nagpahinga pa ang aktres at dumiretso na ito sa House of BTS.

Hindi raw lubos-maisip ni Arci kung paano niyang nagawa ang na-experience niya, pero masaya siya sa kanyang accomplishment nang walang pagsisisi.

“Til now di ko pa maimagine mga pinaggagawa ko for them. Pero masaya pa rin ako. Di ko ma-explain. And to think I was restless even before trip to Korea. When I got there diretso na sa house of BTS, but it was all worth it!!!”

Hindi lang si Arci ang Pinay actress o celebrity na nahuhumaling sa K-Pop o mga Korean actor. May kanya-kanya lang silang trip sa pagkahumaling nila sa mga ito.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment