Monday, November 18, 2019

Ethel Booba, nagparinig sa mga TV show na 'di nagbabayad ng TF

Views



Kamakailan lang ng maging usap-usapan sa social media si Ethel Booba, na kung saan nagparinig daw ito sa mga TV show na 'di nagbabayad ng TF.

Hindi nga nagdalawang isip na magparinig ang sexy comedienne na si Ethel Booba sa mga sinipot niyang TV shows pero ilang buwan o araw na ang lumipas ay hindi pa rin siya nabibigyan ng talent fee o TF.

Ikinagulat nga ng mga netizen ang tweet na ito ni Ethel:

“Kaya nakakatamad na mag guest sa TV show kasi merong iba dyan mag almost 1 year na di pa ma-claim ang TF sunod meron ding more than 5 months na ata. Sa skype na lang talaga ako magshow C2C. Astig sa astig lang. Charot!”

Kanya-kanyang hula naman daw ang mga follower niya kung aling mga show ang tinutukoy ng komedyana.

“Naku meme @vicegandako sana naman hindi @GGViceNa ang tinutukoy sa tweet ha?”

“Hanapin q qng san ka lumabas na show at bibilangin q yung timeframe Hahaha… Parang alam q na.. Kidding!”

“Parang utang lang, biglang na amnesia.”

Maituturing na raw si Ethel Booba na social media influencer sa dami ng kanyang mga follower sa Twitter na nasa 1.5 million na. Bentang benta kasi ang kanyang mga tweet sa mga fan na talaga namang ikinaaaliw ng mga ito.
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment