Monday, November 4, 2019

Inday Barretto, binuking ang anak na si Marjorie matapos malamang balak siya sapakin nito

Views



Kamakailan lang nga ng magka-issue ang Barrettos sisters na kung saan talaga namang naging laman at usap-usapan sa social media.

Ngunit marami ang nagulat dahil 'di pa rin pala talaga tapos ang kanilang bangayan at nasali na nga ng tuluyan ang kanilang ina na si Inday Barretto.

Nilaglag na raw kase ng sariling ina si Marjorie Barretto dahil sobrang na shock daw ang ina niya na si Inday matapos itong mag-post sa Instagram ng tungkol sa "baka masapak ko" viral video na mainit pa ring pinag-uusapan sa social media.

Ibinuking ni Claudine Barretto na ilang beses na raw tinangkang saktan ng kapatid ang kanilang inang si Inday at isa nga sa ebidensiyang magpapatunay dito ay ang video kung saan mapapanood si Marjorie na kausap ang mga anak.

“We’re leaving Dad. Super drama to death si Inday. Baka masapak ko. Sapakin mo nga para sa akin,” maririnig na sabi ni Marjorie sa video. Pero mariin niya itong itinanggi at sinabing hindi niya magagawa yun sa kanyang ina.

Wala raw kaalam-alam sa viral video si Inday hanggang sa mapanood niya ito nito lang nakaraang araw. Kaya aniya, kaya pala binisita siya nina Marjorie sa bahay ay para gawing "damage control" sakaling kumalat na ang video.

Bagamat naka-private naman daw ang account ni Inday Barretto, may mga nakapag-screenshot pa rin ng mensahe nito na patungkol nga sa pinagsasasabi umano ni Marjorie sa kanya.



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment