Tuesday, November 5, 2019

Lovi Poe, hinamon ng paseksihan ni Alessandra De Rosi

Views

Kamakailan lang ng may malaman si Lovi Poe at tinawanan lang ni niya ang hamon na paseksihan sa kanya ni Alessandra de Rossi sa Instagram.

Nag-post si Alex ng two-piece bikini photo niya habang naglalakad sa tabing dagat at sa caption ay hinahamon niyang lumabas si Lovi para magkaalaman kung sino sa kanila ang mas sexy.
Nabasa ito ni Lovi at tumawa lang ito sa comment niya sa post ni Alex.

Sa paningin ni Alex, si Lovi raw ang pinakaseksing babae ngayon at sa kanyang pagbibiro, magagawa niyang makipagtapatan ng ganda ng pigura sa huli.

Ilan pa sa naaliw sa paghahamon na ito ni Alex ay sina Iza Calzado, Jhong Hilario at Heart Evangelista.

Nag-comment din si Alex kay Heart at sinabi nitong tatapatan niya ang pagiging fashionista ng huli, at magsusuot siya ng costume ni Maleficent.

Talagang pinanggigilan ni Alessandra si Lovi dahil nag-comment din ito sa isang photo ng Kapuso star na nakaupo sa beach bench suot ang isang string two-piece bikini.

Nakalantad ang toned-body ni Lovi, dahilan para mag-joke ito na huwag siyang hamunin ng aktres dahil pagod siya nu’ng mga sandaling ‘yon.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment