Tuesday, November 12, 2019

Lovi Poe, usap-usapan ngayon ang pagkagat-kagat niya sa ibat-ibang parte ng katawan ni Joem

Views

Kamakailan lang ng maging tagos ang init sa big screen dahil sa maiinit na lampungan at romansahan nina Lovi Poe at Joem Bascon sa pelikula nilang “The Annulment” under Regal Entertainment.

Nag-palakpakan daw ang audience na nanood sa premiere night ng bagong obra ni Mac Alejandre dahil sa tapang ng dalawang bida sa kanilang laplapan at love scene.

Gulat ang mga manonood sa ilang scene sa kama nina Lovi at Joem, lalo na nang kagat-kagatin pa ng Kapuso actress si Joem sa iba’t ibang bahagi ng hubad na katawan nito.

Bukod pa diyan ang walang patumanggang pagkubabaw ng dalaga sa kanyang leading man.

'Di naman daw nagpatalo si Joem na may pasilip din ng kanyang makinis na puwet kaya tilian ang audience sabay palakpakan nang matapos ang sex scene na iyon ng dalawa.

Pero sa kabila ng ganoong scene, mas lumutang pa rin daw ang galing nila sa mga tagos sa puso at madadramang eksena. Sa nasabing movie, matatawag na all-around rakatera ang role ni Lovi na na-in love at nagpakasal sa mekanikong si Joem na hirap na hirap umasenso sa buhay.

Damang-dama sa mukha ni Lovi ang kapaguran sa pagkakaroon ng asawang mahina ang utak, walang permanenteng trabaho at ma-pride na lalaki.

Kaya ang ending, hindi na raw nakatiis si Lovi at nag-file ng petition for annulment para mapawalang-bisa ang kasal nila ng asawa. Kung ano ang epekto nito sa isang married couple habang hinihintay ang desisyon ng korte ang siyang nais iparating na mensahe ng movie.



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment