Monday, November 18, 2019

Morissette Amon, tinanggal na raw ng isang malaking kompanya sa mga listahan ng singer na pambenta sa mga Christmas party

Views



Kamakailan lang ng maging usap-usapan na tama raw ang opinyon ng marami na magkakaroon ng epekto sa singing career ni Morissette Amon ang kinasangkutan niyang pagwo-walkout kamakailan sa isang concert.

Hindi nga raw niya ikagugutom ang hindi na pagkuha sa kanya ng mga shows, pero makakaapekto pa rin ‘yun sa kanyang career, makakaapekto pa rin sa pagiging singer niya.

Malapit na ang Pasko, maraming kumpanya na ang naghahanda para sa kanilang Christmas party, kapag ganu’n ay kumukuha sila ng special guest singer para magpasaya sa kanilang mga empleyado.

Isang kilalang multi-national company ang noong oktubre pa lang daw ay meron nang listahan ng mga napupusuan nilang mag-guest sa kanilang Christmas party.

Kasama nga raw ang pangalan ni Morissette Amon sa listahan dahil magaling naman talaga siyang singer.

Pero nang pagpistahan ang kuwento ng pagwo-walkout niya sa concert ni Kiel Alo ay nagbago na ng isip ang mga namamahala sa corporate show.

Inalis na nila sa listahan si Morissette, walang ibinigay daw na dahilan ito, pero di naman na raw kailangan pang usisain kung bakit.

Natural daw lang na nag-aalala ang mga mag-iimbita na baka magkaroon din ng problema kapag kinuha nilang performer si Mori.

Hindi man ‘yun maging suntok sa singing career ng dalaga ay makakukurot pa rin, saanmang anggulo tingnan ay negatibo ‘yun para sa career ni Morissette Amon, sa katotohanan lang.



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment