Sunday, November 3, 2019

Piolo isinubo ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ni KC, type jowain sina Bea at Arci

Views

Kamakailan lang ng aliw na aliw ang netizens sa pagsabak ni Piolo Pascual sa “Jojowain o Totropahin” challenge.

Sa kanyang vlog, ipinost ng aktor ang video kung saan kasama niya bilang host si Alessandra de Rossi.

Sa nasabing challenge, kailangang mamili ng aktor kung type ba niyang jowain o tropa-tropa lang ang mga pangalang babanggitin ni Alex. Ilan sa mga female stars na “jojowain” ni Piolo ay sina Kim Chiu, Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Arci Muñoz, Bela Padilla at Maja Salvador.

“Totropahin” naman ni Piolo si Regine Velasquez na nakasama niya noon sa pelikula habang “respeto” naman ang sagot ng aktor nang mabanggit sina 2018 Miss Universe Catriona Gray, Judy Ann Santos, Assunta de Rossi at Sarah Geronimo.

“Si Kath. Nakakabatang kapatid ko ‘yan. At saka kapatid ko si DJ,” hirit naman ni Piolo nang banggitin si Kathryn Bernardo, na girlfriend ni Daniel Padilla.

Kinilig naman ang netizens nang isubo ni Piolo ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ng dati niyang GF na si KC Concepcion.

“Uy, ganu’n niya kamahal. Kiniss niya ‘yung papel, true love,” natatawang sabi naman ni Alex kay Piolo na hindi na nakapagsalita.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment