Wednesday, November 6, 2019

Vice Ganda, binanatan at inireklamo sa MTRCB ng mga fans ni Quiboloy

Views

Kamakailan lang matapos maging subject ng katuwaan sa TV nina Vice Ganda at iba pang mga host sa “It’s Showtime” ang Pastor na si Apollo Quiboloy dahil sa pagsabi nitong pinatigil niya ang tatlong sunod-sunod na lindol sa Mindanao kamakailan, hindi nakapagpigil at agad rumesbak ang isa sa mga alagad nitong si Mike Abe. Nagbitaw ito ng matinding pahayag sa programang “Usapang Bayan” ng SMN News.

Inamin nitong nasaktan sila sa banter nina Vice, Jhong sa “Showtime” dahil ginawa umano nitong katatawan sa telebisyon ang Pastor. “Ipahinto mo na ang ‘Probinsyano’.

"Napahinto mo pala ang lindol eh. Napakayabang niyo pala, eh," ani Vice patungkol kay Quiboloy. “Sabi niya raw, stop. Sige nga! Punta ka ng gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic du’n!” aniya pa.

Unang salita pa lang daw ay ramdam na agad ang gigil ng alagad ni Quiboloy.

“Si Vice Ganda, ‘di ko naman alam, ‘di ko naman maintindihan kung paano naging Ganda ‘yun? Baka siguro Vice lang? Vice Gay! Oh bahala na kayo. Pero Vice Ganda, ‘di naman maganda eh! Lalo na ‘yung sinabi!” pambungad niya.

Nilinaw rin niya na ang kanyang mga salitang binitawan ay personal niyang opinyon at walang kinalaman ang kanilang programa at network.

"Ako po hindi ako member ng ‘Kingdom’, pero akin pong pagrespeto kay Pastor, mahigit pa! Grabe po ang pagrespeto ko kay Pastor Quiboloy, nakakausap ko po ‘yan, nakikita ko ‘yan, dito at sa abroad, nagkakasama kami. Hindi po siya ganu’n. Lahat sa kanya tulong. Lahat ho siya ay bigay, kahit hindi kilala tinutulungan. Kahit hindi kilala dinadamitan, pinakakain, pinag-aaral, kinakausap ‘pag may oras."

"Ganun po siya. Walang kayabang-yabang, simpleng simple lang!" sabi pa ni Abe.

Iginiit rin niya na hindi totoo ang sinabi ni Vice na mayabang ang naturang pastor.

"Kayong mga taga-ABS, after money lang kayo, after rating lang kayo!" galit na galit pang binitawan ng kaibigan ni Pastor.

"Yan po ‘yang talent niyong ‘yan, inyo pong pagsabihan ‘yan! Pasalamat kayo… sana ‘di ‘yan masalubong ng mga taong nagagalit sa kanya, baka may paglagyan ‘yang mamang ‘yan! Mama naman ‘yan e! ‘Di naman babae ‘yan e! Huwag niyong iinsultuhin ang Pastor dahil ‘di niyo kilala nang personal ‘yan!” kasunod pa niyang binitawan.

Nanawagan pa siya sa chairman ng MTRCB at sinabing “magtrabaho kayo!”

Aniya, 35 years na siya sa broadcasting journey, pero sa pagkakaalam niya ay walang batas na allowed mambastos ng kapwa sa industriya.

"Pero ikaw po nag-umpisa eh. Grabe ‘yung tawanan niyo eh!" gigil pa ulit na binitawan ng naturang broadcaster.

"Sana po hindi na maulit. Sana po ang management ng ABS-CBN ay umaksyon. Bakit niyo kinukunsinti ‘yung mga ganyan klaseng lengguwahe?" pahayag pa ng broadcaster.

Hanggang sa dulo pa nga ng kanyang pahayag ay hindi niya pinalampas na sabihing bago magsara umano ang ABS-CBN sa March 2020 ay maayos sana ang ganoong concern niya.
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment