Tuesday, December 3, 2019

Usap-usapan ngayon ng netizens ang seksing-seksi na mga larawan ni Camille Prats na ito sa Instagram

Views

Kamakailan lang ng i-post ni Camille Prats ang kanyang mga larawan na talaga namang seksing-seki at kung kailan nga raw nagkaroon ng tatlong anak ay saka pa naglantad ng kanyang sexy body si Camille Prats.

Dalawang swimsuit photo ang pinost ni Camille sa kanyang Instagram at ipinaliwanag niya sa caption ang kanyang dahilan, na tila late bloomer nga siya sa pagpapakita ng swimsuit outfit.


Sabi ni Camille, wala pa siyang asawa napigilan na siyang magpakita ng konting balat dahil sa "payat”" trend sa showbiz.

Ang pagiging malusog ang pumapatay sa career ng isang artista dahil sa madalang na nakukuhang project.


Napag-isip-isip daw ni Camille na hindi na siya dapat mailang lalo at tanggap ng showbiz ang gaya niya na may asawa at tatlong anak. Tinigilan na rin niya ang ma-conscious sa sasabihin ng iba.

Sinabay nga raw ni Camille ang pagpapa-sexy sa anniversary celebration nila ng kanyang asawa, na ginanap sa El Nido.



Barbie Imperial, pina-Tulfo ng kanyang PA dahil abusado raw at kulang magpa-sweldo

Views

Kahapon lang ay inireklamo si Barbie Imperial ng kanyang personal assistant kay Raffy Tulfo, na dumalo nga sa programa ni Raffy Tulfo si Annalaine Revilla upang ireklamo ang Star Magic actress dahil sa kanyang diumano'y pang-aabuso sa kanyang personal assistant. Ayon kay Revilla, ginagawa siyang kasambahay ng aktres at pamilya nito.

Alam naman nating lahat na ang mga artista ay isa sa pinaka mahalaga sa kanila ay ang PA o ang Personal Assistant, dahil kadalasan ay kaylangan talaga nila ng tulong lalo't kapag busy ang mga ito.

Kwento ng PA ni Barbie:

"Simula po noong dumating ako doon, hindi na po sila kumikilos. So parang ang dating naging kasambahay na lang ako. To the point na halimbawa po every morning, halos hindi pa ko nagkakape, naglilinis na ko ng dumi ng dalawang aso," ito ang pahayag ni Revilla sa kanyang interview kay Raffy Tulfo."

Bukod pa dito, sinabi rin ng PA ni Barbie na kulang siya sa pahinga. Pagod pa siya sa pagsisilbi kay Barbie Imperial at pagod pa siya sa paglilinis ng bahay nito. Buti nga raw sana kung malaki ang sahod, ang kaso ay nakakalungkot na Php 7,000 a month lang ang sinasahod niya, na talaga namang mas mababa pa sa minimum wage.

Narito ang video:

KC Concepcion, napagkamalang bakla sa picture niya sa magazine

Views



Kamakailan lang na sa kauna-unahang pagkakataon ay napintasang mukhang "bakla" ang actress na si KC Concepcion sa photo shoot nito sa isang fashion magazine.

Nakabalandra sa Instagram ni KC ang close up photo niya, na hindi inaprubahan ng marami sa kanyang mga follower, fan.

Walang dudang lumabas ang perfect facial bone features ng anak na ito ni Megastar na si Sharon Cuneta, pero ayon sa kanila, hindi bumagay ang makeup nito sa hitsura ng actress.

Marami raw ang nagsabing nagmukhang bakla ang aktres at mas mukha pang babae ang mga transsexual o transgender sa makeup ng mga ito. Siguradong nakarating na ito sa team ng naturang magazine.

May pamantayan siguro sila kung bakit ito ang napili nilang larawan ni KC. At kanya-kanyang paningin lang naman daw 'yan.




Alindog ni Bianca Umali pinagpyestahan ng mga kalalakihan

Views



Kamakailan lang ng dagsain ng reaksyon ng netizens matapos mag-post si Bianca Umali ng pinaka-sexy niyang larawan na pati ang ibang kasamahang artista ay ‘di mapigilang mag-comment na nabighani sa kaseksihan ni Sahaya.

Tanong ng netizens na ano nga kaya ang nararamdaman ni Ruru Madrid na matagal na rin niyang karelasyon? Sinita kaya niya ito at hinahayaan na lang niya na pagpiyestahan ang kaseksihan ni Bianca?


Kahit matagal na raw na walang kaugnayan sina Bianca at Miguel Tanfelix ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang GMA sa kanilang tambalan.

Pinagsama muli ang dalawa sa bagong episode ng "Daig Kayo Ng Lola Ko" na umani raw ng napakataas na rating sa pilot episode pa lang.

Kasama rin sa story si Migo Adecer na kasama rin nila sa "Sahaya" at nagkaroon din ng mga bagong supporter na pakiramdam nila ay mas bagay sila.


Nabuhayan naman daw ang mga BiGuel fan sa bagong tambalan nung dalawa na tatagal ang episode na iyon ng isang buwan.

Maganda ang concept ng episode na 'yun ng "Daig Kayo Ng Lola Ko" na kamakailan lang ay nanalo sa 33rd PMPC Star Awards For TV.

Kaya labis ang tuwa ng mga taong may kinalaman sa programa lalo na raw si Direk Rico Gutierrez na laging nakangiti habang na sa paligid niya si Alessandra de Rossi.

Monday, December 2, 2019

Heart Evangelista, binigyan ng bahay ang lalaking nakatira sa kalye

Views



Kamakailan lang ng maging Hero raw ang dating ni Heart Evangelista sa netizens matapos niyang bigyan ng bahay ang isang lalake na ang pangalan ay Jun na nakilala niya sa Gilmore noong hinahanap niya ang nawawala niyang aso.

Sobrang naawa si Heart kay Kuya Jun na naninirahan sa kalye kasama ang kanyang pitong alagang aso.

Nang i-post ni Heart iyong photo ni Kuya Jun sa kayang Instagram account ay maraming naawa dito kaya naman nag-donate ang ilang netizens.

Noong nakaraang linggo naman may isang surprise na ginawa si Heart kasama ang isang foundation called PAWSsion Project. Ibinigay nila ang isang bahay para kay Kuya Jun at sa mga alaga nitong aso.

"Happy Sunday kuya. Welcome home sa inyo ng mga babies mo. di na kayo mauulanan. Thank you to everyone who made this possible and to kuya for being an inspiration you deserve the world,” caption ni Heart sa photo ng bagong bahay ni Kuya Jun."



Angel Locsin, isa sa tinanghal bilang isang Heroes Of Philanthropy: Catalysts For Change

Views



Ngayon lang ng makabilang ang aktres na si Angel Locsin sa 2019 Heroes Of Philanthropy: Catalysts For Change kung saan kinikilala ang mga personalidad na malaki ang naging kontribusyon sa mga kababayan nilang apektado ng giyera, kalamidad o krisis sa kalusugan.

Matatandaan kase ang sunod-sunod na pagtulong ng aktres sa mga taong labis na nangangailangan dahil sa mga ibat-ibang trahedyang pinagdaan ng mga ito.

Kaya't agree talaga ang netizens na tanghalin ang aktres na 2019 Heroes Of Philanthropy: Catalysts For Change, dahil deserve naman daw talaga ito ni Angel.



Doctor sa St. Lukes na nag-viral, na-Tulfo na

Views

Kanina lang ng may mag-post ng isang video at agad nag-viral sa social media, na kung saan isang doctor pala sa St. Lukes ito.

Base sa nag-post, matapobre raw ang doctor dahil matapos maliitin at kung ano-ano pang masasakit ang sinabi nito sa kaaway niya.

Dalawa ang bidyong ito dahil dalawang beses na rin nangyari ito sa magkaibang tao na nakuhanan sa cellphone camera ng mga netizens.

Base sa caption ng nag-post, matapobre raw ang doctor at ganoon daw ba ang tingin ng mga mayayaman sa mahihirap, maliliit lang?

Kaya't ngayon lang din ng ma-Tulfo ito at talaga namang gagawin ang lahat upang mapatanggal ang lisensya nito bilang isang doctor.

Narito ang buong video!

Video ng isang lalake na nahuli sa akto na mangunguha ng bata

Views

Kamakailan lang ng maging usap-usapan sa social media ang sikat na sikat na topic ngayon na nangunguha ng bata,teens at pati na rin daw matatanda ngayon.

Isang oras pa lang ang nakakalipas matapos i-post ito sa social media ang isang lalake na nahuli dahil balak kumuha ng bata na kung saan, talaga namang kumalat agad upang ma-aware rin ang iba.

Nahuli nga ang kriminal na ito kanina lang sa  CAA PHASE1 LAS PIÑAS, at makikitang galit na galit ang mga taong nakasaksi sa gagawin nito.

Panoorin ang video sa baba!

Rita Daniela, kinaiinisan daw ng mga staff dahil lumaki na raw ang ulo

Views



Kamakailan lang ng maging usap-usapan na lumalaki na raw ang ulo ni Rita Daniela. Ito ang nagiging usap-usapan sa bida ng "One of the Baes".

Mga staff at Umaastang reyna raw si Rita at kinabubuwisitan na raw siya ng staff ng pinagbibidahan na teleserye kasama si Ken Chan.

Pero todo-deny daw si Rita sa akusasyon na ito dahil wala raw siyang alam sa mga kumakalat na kuwento na siya raw ay may attitude problem.

Sabi ni Rita:

"Sobrang okey po kami ng prod, kahit po tanungin pa po ninyo ‘yung prod. Wala hong ganoong nangyayari sa amin."

"Kaya nagulat din po ako sa lumabas na article. Kaya nga po nakakatuwa, kasi hindi lang po dahil sa nagre-rate ‘yung show namin, kundi dahil ho sa loob, pamilya ang samahan namin,"

Kung may nagtatangka naman daw na sirain ang imahe niya ngayon, naiintindihan daw iyon ng akres dahil parte 'yon ng ginagalawan niya sa showbiz.

"Naiintindihan ko naman po. Siguro po, sa bawat tagumpay ng isang tao, kapag may napo-promote, meron din siyempre… kasama iyon, eh!"

Pero hindi nga raw ito ang unang beses na napabalitang may prima donna attitude si Rita. Noong 2015 ay nagsalita ang aktres na si Gladys Reyes dahil sa hindi magandang pinakitang ugali ni Rita sa co-star nila sa teleserye na “Let The Love Begin” na si Donita Rose. Rita Daniela, kinaiinisan daw ng mga staff dahil lumaki na ang ulo

Sunday, December 1, 2019

Isang netizen ang nagalit sa babaeng pinost ang kanyang van at sabihing nangunguha ng bata kahit nakaparada lang pala

Views



Ngayon lang ng mag-viral sa social media ang isang babae na kung saan, nag-post ito ng isang puting van na nakaparada at may muntik nanaman daw makuha sa Lucena.

Dahil daw kase may nakita siya sa bayan ng muntik ng makuhang bata na naglalaro ng isang puting van, dagdag pa niya, kinabahan siya dahil nakita niyang hinahawakan ng babaeng arabo ang bata.

Kaya't bigla raw niya pinuntahan yung bata at nagkunwaring kapatid siya, at doon na raw nakatakbo ang bata.

Ngunit laking gulat ng may-ari ng van ng makita ang-post na 'yon dahil nakaparada lang naman daw talaga doon yung van nila dahil may store sila sa bayan.

Sabi pa ng owner nung van sa babaeng nag-post:

"Ayusin mo mga pinopost mo pede kita ireklamo sa ginagawa mo .Masyado k nagpapadala sa mga balita nangunguha ng bata pati sasakyan ko npapagdiskitahan mo. Talagang nkaparada yan sa bayan dahil may tindahan kami jan wag kang pasikat !!!!"



Umani ng pambabatikos ang viral video ng isang doctor sa St. Lukes

Views



Kanina lang ng may mag-post ng isang video at agad nag-viral sa social media, na kung saan isang doctor pala sa St. Lukes ito.

Base sa nag-post, matapobre raw ang doctor dahil matapos maliitin at kung ano-ano pang masasakit ang sinabi nito sa kaaway niya.

Dalawa ang bidyong ito dahil dalawang beses na rin nangyari ito sa magkaibang tao na nakuhanan sa cellphone camera ng mga netizens.

Base sa caption ng nag-post, matapobre raw ang doctor at ganoon daw ba ang tingin ng mga mayayaman sa mahihirap, maliliit lang?

Narito ang orihinal na-post!



Daniel Padilla, kinontra raw ang pagpunta ng bagong kasintahan ng nanay niyang si Karla Estarada sa bahay nila

Views

Kamakailan lang ng inamin naman ni Daniel na mayroon pa rin siyang agam-agam sa boyfriend ng kanyang ina. Naroroon pa rin ang reservations niya.

"Siyempre bilang anak ka at nakita mo, hindi agad yun, e. Hindi siya agad na ayos, okey…"

"Siyempre ngayon, may… iba na, e. Hindi na ako bata din, e. So ayoko namang maging kontrabida, Tito Boy."

"Ayoko namang sirain, dahil yung mga bagay na hindi ko rin mabibigay sa kanya, di ba? And ayokong maging kontrabida. Pero at the same time, on the look lang ako, I’m just hovering.”
‘Yan ang sabi ni Daniel sa interview ni Boy Abunda.

Ang sabi, hindi raw nagugustuhan ni Daniel na pumupunta na sa kanilang bahay ang BF ng nanay niya. Iyon daw ang hindi nila pinagkakaunawaan ng kanyang ina.


Bata, hiwa ang tiyan matapos kunin ng mga naka-van habang natutulog mag-isa

Views

Laman nga ngayon ng usapan sa social media ang mga taong nangunguha ng bata at teenager ngayon, na nagsimula raw sa Pasay, ngayo'y na sa Bulacan na raw.

Ilang oras pa lang ang nakakalipas, matapos may mag-post sa social media na kung saan may isang bata ang kinuha nanaman ng van.

Kuwento ng bata, nakuha siya ng mga naka-van 6 na lalake sa sapang palay sa Bulacan habang natutulog siya mag-isa.

Makikita nga ang hiwa sa kaniyang tiyan matapos tanungin nang nag-vivdeo kung ayos lang ba na ipakita ito sa kanya.

Pumayag naman ang bata, kaya't nung ilabas ay talaga namang makikita ang pagkahaba-habang hiwa nito sa tiyan, na talaga namang iisipin mong balak talaga kunin ang kanyang laman loob. Panoorin ang bidyo sa baba!


Narito naman ang kabuuang bidyo:

Ivana Alawi, gumanti sa kapatid niyang si Mona, sinabing ampon lang ito

Views




Kahapon lang ng i-post sa social ni Ivana Alawi ang prank niya sa nakababata niyang kapatid na si Mona Louise Rey.

Ang tema ng bidyo ay may kunwaring magpapanggap na tunay na ama ni Mona  na nagpakilalang Bob na sinabing siya angtunay na ama ni Mona at dito na nga naiyak ang kapatid niyang ito sa eksenang 'yon.

Matatandaang pinrank din siya ng nakababata niyang kapatid kaya't bilang ganti sa kapatid, ito ito ang naisipang gawin ni Ivana.

Sa ngayon umabot na sa 3.4 Million views at 200k likes mahigit ang bidyong ito. Panoorin!