Sunday, December 1, 2019

Isang netizen ang nagalit sa babaeng pinost ang kanyang van at sabihing nangunguha ng bata kahit nakaparada lang pala

Views



Ngayon lang ng mag-viral sa social media ang isang babae na kung saan, nag-post ito ng isang puting van na nakaparada at may muntik nanaman daw makuha sa Lucena.

Dahil daw kase may nakita siya sa bayan ng muntik ng makuhang bata na naglalaro ng isang puting van, dagdag pa niya, kinabahan siya dahil nakita niyang hinahawakan ng babaeng arabo ang bata.

Kaya't bigla raw niya pinuntahan yung bata at nagkunwaring kapatid siya, at doon na raw nakatakbo ang bata.

Ngunit laking gulat ng may-ari ng van ng makita ang-post na 'yon dahil nakaparada lang naman daw talaga doon yung van nila dahil may store sila sa bayan.

Sabi pa ng owner nung van sa babaeng nag-post:

"Ayusin mo mga pinopost mo pede kita ireklamo sa ginagawa mo .Masyado k nagpapadala sa mga balita nangunguha ng bata pati sasakyan ko npapagdiskitahan mo. Talagang nkaparada yan sa bayan dahil may tindahan kami jan wag kang pasikat !!!!"



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment