Monday, December 2, 2019

Rita Daniela, kinaiinisan daw ng mga staff dahil lumaki na raw ang ulo

Views



Kamakailan lang ng maging usap-usapan na lumalaki na raw ang ulo ni Rita Daniela. Ito ang nagiging usap-usapan sa bida ng "One of the Baes".

Mga staff at Umaastang reyna raw si Rita at kinabubuwisitan na raw siya ng staff ng pinagbibidahan na teleserye kasama si Ken Chan.

Pero todo-deny daw si Rita sa akusasyon na ito dahil wala raw siyang alam sa mga kumakalat na kuwento na siya raw ay may attitude problem.

Sabi ni Rita:

"Sobrang okey po kami ng prod, kahit po tanungin pa po ninyo ‘yung prod. Wala hong ganoong nangyayari sa amin."

"Kaya nagulat din po ako sa lumabas na article. Kaya nga po nakakatuwa, kasi hindi lang po dahil sa nagre-rate ‘yung show namin, kundi dahil ho sa loob, pamilya ang samahan namin,"

Kung may nagtatangka naman daw na sirain ang imahe niya ngayon, naiintindihan daw iyon ng akres dahil parte 'yon ng ginagalawan niya sa showbiz.

"Naiintindihan ko naman po. Siguro po, sa bawat tagumpay ng isang tao, kapag may napo-promote, meron din siyempre… kasama iyon, eh!"

Pero hindi nga raw ito ang unang beses na napabalitang may prima donna attitude si Rita. Noong 2015 ay nagsalita ang aktres na si Gladys Reyes dahil sa hindi magandang pinakitang ugali ni Rita sa co-star nila sa teleserye na “Let The Love Begin” na si Donita Rose. Rita Daniela, kinaiinisan daw ng mga staff dahil lumaki na ang ulo
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment